A/n: Actually dapat heto talaga ang chapter 1 hahahaha kaso iniba ko try nyo lang basahin. Heto talaga yong totoong nangyari about don kung paano eto nagsimula hahahaha.
Enjoy Reading~
Chapter 1
"Skyler gumising ka na. Nandito na ang mga kaklase mo!" sigaw ni Mama sa akin.
"Ma, tinatamad pa akong bumangon. Paalisin nyo muna yang mga yan" sagot ko sa kanya habang bumaluktot sa higa.
Rinig kong may pumasok sa kwarto ko.
"Skyler gagawa raw kayo ng project ngayon. Bumangon ka na dyan" at hinihila na nga ni mama yung kumot.
"Oo na. Babangon na po" at kinusot ko ang mata ko tsaka dumiretso sa cr.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko pumunta na agad ako sa living room kung saan naroon ang mga kaklase ko.
"Tanghali ka talaga gumising Skyler. Agahan mo naman minsan. Kaya ka binansagang Late comer eh" pangungutya sa akin nila.
"Maganda kaya maging late. Hindi nakakapaglinis at isa pa hindi nakakapagflag ceremony." ngiti kong saad.
"Hindi ka nga naglilinis sa umaga nagwawalis ka naman sa hapon" at nagtawanan na ang lahat.
"Ano bang pinunta nyo rito?" pagtatanong ko.
"Hello Skyler! Kakachat lang natin kagabi na magpapractice tayo ng sayaw para sa teacher's day" at inirapan nila ako.
"Nakalimutan ko na. So saan tayo magpapractice?"
"Sa school na lang. May wifi pa" at nagtakbuhan na nga kami papunta sa school.
Yeah! Malapit lang ang school sa bahay namin. Kaya nga lagi akong late. Gigisingin ako ni Mama 6:30 tapos makakarating ako sa school 7:15 sakto ng first period namin which is math.
Sabado ngayon and as usual walang pasok kaso masyadong pabida 'tong mga kaklase ko. Gustong sumayaw para tribute sa teacher. Hello! Pwedeng kumanta nalang diba? Kaso ang sabi nila magmula grade 7 rasw hanggang grade 9 puro kanta na kaming lahat walang ibinibigay na effort. Ngayon raw gusto nila mag-effort kami which is ayun nga ang sumayaw.
"Skyler ituro mo muna sa amin ang step"
"Ayoko. Nahihiya ako. Panoorin nyo na lang sa youtube"
"Iumpog kaya kita dyan sa glass board sa likod mo Skyler! Tayo-tayo lang naman. Dali na. Jumpshot muna"
Nakakainis. Wala akong naggawa kung hindi ang turuan sila.
"Tungo, talon, hawak sa betlog, tunghaya then pak ganern, pak ganern." sigaw ko sa kanila.
Natapos rin naming ipractice ang jumpshot, fetty wap at after party challenge.
"Break muna guys." at inopen ko kaagad ang wifi ko.
Pagbukas ng messenger ko biglang nagpop-out yung DSMK Squad.
Ha? Inopen ko 'to at ang lumabas puro chat nila.
Daniel: Hi flat.
Kylie: Hello walang betlog na Daniel.
Daniel: Flat ka pa rin.
Kylie: Wala ka paring betlog.
Daniel: Paano ako magkakabetlog eh bakla ako? Gosh!
Kylie: Hala? Puta totoo bakla ka?
Daniel: Oo nga.
Kylie: Lmao
Seen by Daniel.Kylie: Hi Skyler.
Hanla? Totoo ba 'to? Nag-hi sya sa akin?
Me: Hello Kylie ^_^
Kylie: Wellcome sa DSMK Squad
Me: Ano 'tong gc na 'to? I mean oo alam kong squad. Pero paano ako napasama rito? Eh hindi ko kayo kakilala.
Kylie: Matagal na kitang inistalk Skyler kasi gusto ko maging close tayo. Then eto gumawa na lang ako ng squad. Sorna kung inaadd kita.
Me: Hahahaha iniistalk mo talaga ako? Enebe weg ke genyen.
Kylie: Hahahaha minsan lang naman kita iistalk. Anyway squad na tayo ha!
Me: Teka lang! Squad na bang matatawag tayong tatlo?
Kylie: Hindi tayo tatlo. Apat tayo. Pwedeng squad pwedeng family.
Me: Ah okay!
Kylie: Squad na tayo ha!
"Skyler magsisimula na ulit tayo. Gusto na naming umuwi. Maghahapon na rin. Last 3 na practice!" sigaw ng mga kaklase ko sa akin.
Me: Out na me. Babayo.
Naglog-out na agad ako at nagsimula na kaming magpractice ulit.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Novela JuvenilWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017