Skyler Pov
Kahit gusto kong umiyak hindi pwede. Nasa kalagitnaan kami ng pagtuturo ng science.
Konting tiis nalang Skyler! Malapit ng mag-uwian.
*ringgg*
Inunahan ko na agad sa paglabas ang guro namin.
Napunta ako sa bus station. Okay! Ano namang ginagawa ko rito? Ang tanga ko talaga. Aish!
Bahala na nga. Umupo ako sa may waiting shed.
Ang ganda ng langit.
"Hi" paggiging friendly sa akin ng isang lalaki.
"Hello" walang gana kong saad.
"Ang lungkot"
"Nang ano?" pagtatanong ko.
"Ikaw"
"Don't mind me. Ganto talaga kapag maganda."
Napatawa sya ngunit naging seryoso ulit ang mukha.
"Mahirap yan kimkimin"
"Wala 'to"
"Bahala ka"
"Fine. Oo na. Yung bestfriend ko hindi ako kilala ng lubusan"
"Paano mo naman nalaman?"
"Kasi hindi nya alam na may allergy ako sa hipon pero ang alam ko alam na nya talaga."
"Oh tapos anong nangyari?"
"Kilalang-kilala ko sya. Kaya nagpanggap akong nagtatampo pero totoo talaga nakakapagtampo. Kilala ko sya kaya alam kong hahabulin nya ako pero nagkamali ako. Hindi nya ako hinabol" napabuntong hininga ako.
"Ah. I see. Parang parehas kayong nagkamali?"
"Sort of."
Bumuntong hininga rin sya pagkatapos ay tumayo na.
Akala ko nakaalis na sya pero bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
"Maganda ka Skyler. Miguel ,nice to meet you" ngiting aso nyang saad. Pagkatapos ay sya na ang humila sa kamay ko para makipagshake hands.
Nang makapasok na sya sa bus tsaka ko lang narealize ang ginawa nya.
"Hoy! Miguel paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka noh!" sigaw ko.
"Maganda ka sana kaso medyo tanga ka. Sa ID mo" sigaw nya rin pagkatapos ay umandar na ang bus.
Ako tanga? Aba't. Gwapo ka sana kaso sinabihan mo ako ng tanga. Tss. Hindi ako tanga.
Pauwi na sana ako sa bahay namin ng maabutan ako ni bakla.
"Hoy! Saan ka galing?" pagtatanong nya. Feeling close 'tong si bakla.
"Ewan ko" kibit-balikat kong sagot.
"Natatanga ka na naman." paninimula nya.
Aba't. Nananahimik na nga ako eh.
"Daniellang bakla" pangungutya ko.
"Tanga. Bakit ganyan mukha mo?"
"Ha? Bakit maganda diba? Sorry hindi ako pumapatol sa bakla"
Nagrolled-eyes lang sya sa akin.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Una na ako sayo Tanga. Ingat ka tanga ka pa naman"
Babatukan ko pa sana sya kaso nakatakbo na agad sya.
Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako tanga.
--
A/n: May bago akong character. Miguel at the multimedia. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017