Skyler Pov
"Anong sabi mo na liligawan mo ako? Hangal ka talaga Miguel"
"Hindi ako nagjojoke. Tara na sa bahay nyo. Magpapaalam ako"
Di ko nalang pinansin ang sinabi nya at naglakad na kami papunta sa bahay namin.
"Mommy at Daddy may itatanong po sana ako"
"Sige lang iho"
"Kaya mo yan iho. Alam ko mapagkakatiwalaan ka"
"Pwede po bang ligawan ang anak nyo?"
Nanlaki bigla ang mata ko.
"Seryoso ka talaga Miguel?" pagtatanong ko.
Tumango lang sya. Tss.
"Wala naman kaming problema doon. Kaya nga lang baka ayaw ni Sky" saad ni Daddy.
Tumingin silang tatlo sa akin. Bumuntong hininga ako.
"Sorry" saad ko at tatakbong dumiretso sa kwarto ko.
Tanga ka talaga Sky. Tanga ka! Sobrang tanga mo. Nakakainis ka na Sky. Naiinis na ako sa sarili ko.
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan.
Naggising ako sa malakas na katok nina Daddy sa pintuan ko.
"Sky anak. May pasok ka pa diba? Huling linggo na at tapos na ulit ang isang buwan. Diba may test kayo ngayon. Bangon na Sky"
Kahit pikit ang mata ko inalis ko ang kumot sa katawan ko. Binuksan ko ang pintuan.
"Sige Daddy" saad ko at sinarado na muli ang pintuan at ginawa na ang mga ritwal ko. Hahaha.
Habang naglalakad ako papasoo ng school biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Skyler ano ka ba naman? Kanina pa kita tinatawag. Tanga ka talaga" at hinahabol pa ni Bakla ang hininga nya.
"Ha?" pagtatanong ko.
"May bad news ako sayo"
"Wala akong balak alamin ang mga news news mo. Nakakainis ka na" at nagpatulot na ako sa paglalakad.
"Binasted ulit ako ni Kylie. Umamin ulit ako sa kanya na gusto ko sya pero tinawanan nya lang ako sinasabing ang galing ko raw magjoke"
Napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya. Lumapit sa tayo nya at ngumiti ng hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin at tumingin ako sa mata nya gamit ang mata kong hindi ko alam ang nararamdaman.
Siguro nasasaktan ako. Kasi sya na naman yung topic namin. O siguro masaya ako kasi hindi naging sila. O siguro malungkot ako kasi nasasaktan ako.
Itinaas ko ang kamay ko at inilapat sa buhok nya. Dahan-dahan kong hinahagod ito.
"Sky-"
"May kilala ka bang childgood friend mo noong bata ka?"
"Si Kylie lang"
Napatango ako.
"Mahal mo ba talaga yung bestfriend ko?" pagtatanong ko ulit habang hinahagod ang buhok nya.
"Mahal ko sya higit pa sa kahit kanino"
Unti-unti kong binitawan ang buhok nya at tumalikod.
Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017