Chapter 32: Behind the reason

753 20 0
                                    

Skyler Pov

Kahit nahihirap ako. Kahit nagpapanic ako. Kahit nalilito ako sa nangyayari. Kahit gusto ko umiyak hindi pwede.
Tumawag agad ako ng ambulansya.

Nabunutan ako ng tinik ng agad rin namang silang nakarating. Kanina pa nawalan ng malay si Daniel.

Sumakay kami papunta sa hospital. Agad syang inasikaso roon.

"Pakitawag sina Mrs. and Mr. Garcia" saad nung doctor bago pumasok sa room ni Daniel.

Bakit kilala nung doctor si Daniel? Nagpauli-uli lang ako sa paglalakad. Makalipas ang sampung minuto nandito na ang magulang ni Bakla.

"Tita at Tito?" nanlaki ang mata kong makita sila.

"Kyle ikaw pala yan. Dati rati bulol ka pa sa S at R kaya Kyle ang tawag sayo ngayon dalaga ka na" nakangiting saad ni Tita.

"Sky ikaw pala yan. Ikaw ba ang kasama ni Niel bago sya mahimatay?" pagtatanong naman ni Tito.

"Opo"

"Siguro nalilito ka or what so ever. Basta ito lang ang masasabi ko sayo. Walang syang maalala."

"Bakit po? Paano po iyon nangyari?"

"Naaksidente siya iha habang papapunta sa tree house na ginawa ng Daddy nya. Sabi nya pupunta sya sa tree house dahil nangako raw kayong dalawa na magkikita kayo roon. Pero nabangga sya. Yun yung dahilan kung bakit kami umalis. 10 years ago na iyon iha."

Hinagod ko ang likod ni Tita at pinakalma sya.

"Okay lang po Tita." pagpapagaan ko sa loob nya.

"Mrs. and Mr. Garcia okay na ang anak nyo. Sigurado akong may naalala sya kaya sya nahimatay."

Nabunutan ng tinik kaming tatlo sa marinig namin.

"Salamat po Doc"

Tumango lang ito at umalis na rin.

"Iha ano bang nangyari?"

"Magpipinky promise po sana kaming dalawa kaso yun nga nahimatay sya"

"Ginawa nyo na ba iyon dati?"

"Opo Tito"

"Sigurado akong makakaalala na si Daniel sa lahat. Kaunting panahon na lang iha"

Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa.

"Pasok muna tayo sa loob iha"

Umiling ako.

"Wag na po. Una na po ako sainyo."

"Gabi na iha. Magpahatid ka na kay manong driver kilala mo naman sya diba?"

Tumango ako.

"Sige po. Salamat po Tita at Tito"

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon