Chapter 3: HELP

2.1K 63 3
                                    

Skyler Pov

Recess na namin. And yehey! Gutom na ako! Kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Kasi naman tanghali na nga ako nagising edi ayun hindi na ako nagbreakfast.

Pumila muna ako pagkatapos ay bumili ng tatlong balot ng itlog pugo at zesto. I love itlog pugo.

Umupo ako sa bakanteng silya pagkatapos ay nilantakan ang itlog pugo.

Nakakainis talaga ang itlog pugo ang hirap balatan. Pero okay lang. Masarap naman.

"Mag-aamoy utot na naman sa room mamaya Skyler" pagpapansin ng epal na si Alxyziah.

"Hoy kung sa ating dalawa lang naman mas mukha kang ututin. Biruin mo limang balot yang binili mo. Magpakapayat ka na nga mukha kang butanding!" saad ko at nagpatuloy na sa pagbabalat.

Umalis na rin naman sya agad sa harapan ko.

"Skyler hindi ako nakapasok sa room kanina. Nakakainis kasi. Ang hirap talaga maging matalino"

"Okay lang Kylie. Kain ka na dyan." nakangiti kong wika.

Ano bang maggagawa ko? Alangan naman magtampo ako. No way! Mahal este yak! Parang kapatid ko na si Kylie. Kalahati na sya ng buhay ko.

"Skyler magiging busy ako ngayong taon na ito. Alam mo namang running for valedictorian ako plus editor in chief pa ako ng school paper. So hindi tayo magkikita ng katulad ng dati" nakasimangot sya ng sabihin iyan.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Sinubuan ko sya ng isang buong itlog pugo na hindi pa nababalatan.

"Yak! Skyler talaga" at iniluwa nya yung itlog pugo.

Hahahaha. Tumawa lang ako ng tumawa.

Ipinasok nya naman yung isang kutsarang puno ng pansit sa bibig ko.

What the heck! Nanlaki bigla ang mata ko.

"Kylie diba wa--" bago pa ako matapos tinawag na sya ng isang teacher namin.

"Una na ako sayo Skyler. Bye" kumaway pa sya bago umalis.

*ringggg*

Pagpasok ko sa room ang ingay na naman nila.

Di ko nalang sila pinansin at umupo sa upuan ko.

Kasabay ng pagdating ng teacher namin si Daniel na bakla. Hahaha. I call him Daniella na. Hahaha.

Umupo sya sa tabi ko.

Nakinig lang ako ng mabuti. Pagkatapos magtetest daw.

Bubuksan ko sana ang backpack ko kaso naalala ko wala nga pala akong papel.

"Daniella pahinging papel." ngiting asong saad ko.

Tumingin naman sya sa akin pagkatapos ay nagrolled eyes na naman.

"Hoy! Bakla dali na! Magsisimu--"

"What is the hormone involve in our reproductive system?" sunud-sunod na nagtanong yung guro namin.

And worst! Ayun wala akong naggawa. Andamot kasi ng baklang 'to.

"Daniel Garcia" pagtatawag nung guro.

"25"

"Alxyziah Maliglig"

"15"

"Skyler Rodriguez"

"0" saad ko.

Nagtinginan lahat sila sa akin.

"Are you really sure?" pagtatanong ni Ma'am.

Marahas akong tumango.

"Kylie Tamara"

"Excuse po Ma'am. Ginagawa po yung school paper natin" saad ng isa sa mga kaklase ko.

Tss. Nakakainis talaga ang baklang to.

Tumingin sya sa akin. Nauna na akong magrolled eyes sa kanya. Bwesit! Patay ako nito kay Daddy. Sana lang wag nyang ilayo sa akin ang gadgets ko.

Natapos ang klase namin na lagi akong kamot ng kamot sa katawan ko.

Shit! Sabi na nga ba eh! May hipon yung pansit na sinubo sa akin ni Kylie.

What to do?

Tatakbo akong naglakad patungo sa parking lot. Pero bago pa ako makapunta roon nawawalan na agad ako ng hininga.

Bwesit! Kaya ayoko ng may allergy eh.

Napaupo ako sa gilid ng may hallway.

Naalala ko kapag nga pala may allergy ako hindi dapat ako tatakbo kasi may possibility na mahirapan ako sa paghinga.

Napakapit na ako sa may bakal. Napapansin kong walang dumadaan sa hallway na 'to.

Nakalimutan ko pa yung inhaler ko. Nakakainis.

Daniel's Pov

Naglalakad ako sa hallway ng may mahagip ang mata ko si tangang babae teka lang. Anong nangyayari doon?

Lumapit ako sa kanya.

Kahit hirap na sya naggawa nya paring hawakan ang kwelyo ko.

"Help" mahina nyang usal habang hinahabol ang hininga.

Shit! Dali-dali kong kinuha ang inhaler sa bag ko. Buti nalang lagi ko itong dala.

Unti-unting nagiging maayos ang paghinga nya.

"Salamat" saad nya pagkatapos ay nawalan ng malay.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon