Skyler Pov
"Anak mamayang gabi may party kina Daniel. Gusto mo ba na hindi lang tayo pumunta?"
"Mommy naman. Huwag nyo kong alalahanin. Andun naman si Miguel"
"Ipapakilala na si Miguel na sya yung nawawalang anak. Masaya ako para sa batang iyon."
"Same here Daddy. Masaya ako para kay Miguel. Natupad na yung hiling nya na makita yung totoo nyang magulang"
"Sige nak. Pumasok ka na sa school 8 na ng umaga"
"Hindi pa yan Mommy. 30 minutes palang naman akong late eh"
"Kahit na! Nagiging habit mo yan nak. Pumasok ka na"
Uminom na ako ng tubig tapos nagbyahe nalang papunta sa school.
Madaling natapos ang araw na 'to. Pero bago iyon. Lumipat muna ako ng seat. So yun hindi ko na katabi si bakla. Hindi nya na ako pinapansin at lumalayo na nga sya. Masaya ako para ron. Kanina nga noong kumain kami ng sabay hindi nya ako pinapansin. Maganda iyon.
Waaaaah~
"Skyler diba pupunta ka sa party kina Daniel?"
"Oo naman. Bakit?"
"May susuotin ka na ba?"
"Ano bang dapat suotin?"
"Formal"
"Ah. Siguro naman may ready na si Mommy para roon"
"Sige. Una na ako sayo. Magpapaganda pa ako para mamaya"
--
"Nak bakit ba antagal mo dyan sa cr! Kanina pa dyan ah! 2 oras.ka na atang nandyan. Nak naman! Gusto kong makita kung maganda ba ang gown sayo!"
"Mommy teka lang! Hindi ko pa tapos izipper."
Nakakainis naman kasi eh. Bakit.kailangan ko pang magsuot ng gown? Tss. Buti sana kung cocktail but the heck! Gown kasi talaga sya. Kulay black na may touch of yellow. Tapos medyo pabebe pa yung design. Ribbon everywhere. Argh!
"Anak isang-isa nalang. Papasok talaga kami ng Mommy mo ngayon rin"
"Daddy hindi pa talaga ako tapos"
"Isa"
"Daddy naman!"
"Dalawa"
"Tat--"
"Oo na ito na Daddy lalabas na" pinihit ko na ang door knob.
Nakasimangot akong naglakad sa kanila.
"Sabi ko naman kasi sa inyo Mommy eh ayoko ng gown na 'to. Hindi bagay sa akin"
"Anong hindi bagay? Ang ganda kaya sayo nak. Maganda ka pala kapag naayusan at nadamitan nak"
"Mommy iniinsulto mo ba ako o pinupuri mo ako?"
"Hindi ka naman mabiro nak. Ang ganda mo ngayon."
"Tara na sa baba. Ready na ang kotse."
"Daddy wala kang sasabihin sa akin? O magpapalit nalang ako?"
"Speechless ako nak. Ito ba yung pangalawang babae sa buhay ko na sinaktan lang ni Daniel? Hindi mo sya deserve nak."
"Pinapaiyak mo ko Daddy"
Nagyakapan lang kaming tatlo.
"Nak lagi mong tatandaan 'to ah. Lahat tayo deserve ang magmahal at mahalin."
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017