Chapter 52: Bump again

733 23 0
                                    

Skyler Pov

"Hindi ko naman kasi sinabing huwag kang matube. Ang akin lang gabi syempre malamig kaya dapat huwag kang matube kasi sure ako lalamigin ka"

"Pake mo ba kung lamigin ako? Huwag mo nga akong intindihin. Mas paglaanan mo ng pansin yung girlfriend mo na bestfriend ko. Sigurado akong nilalamig na rin yun ngayon."

"Bakit ba higblood ka? Eh inaalala ko lang naman ikaw. Baka kasi nilalamig ka na kaya kita nilagyan ng coat ko. Tapos yung matatanggap ko pa sayo pagtataas mo ng boses sa akin at pagtataray."

"Kung pinuputak ng bunganga mo yung coat mo" inalis ko yung coat sa katawan ko tapos inihagis sa kanya.

"Yan na oh. Wala naman kasi akong sinabing bigyan mo ko ng coat mo."

Mukhang nainis ata sya kasi napa-tss sya.

Buti nalang at nandito na nga yung driver.

"Sorry na." wika nya tapos inilagay ulit yung coat sa balikat ko tapos umalis sa harapan ko.

Kapal ng mukha. Teka nga lang? Hindi ba't matagal ko ng sinabi sa kanya na huwag na kaming magpansinan? Pero bakit nya ako pinansin? Tss.

"Skyler di ka pa ba sasakay?" pagtatanong nung driver.

"Teka lang po. Magpapaalam lang po ako kina Mommy."

Tatakbo akong pumasok ulit sa mansyon.

"Mommy una na po ako sa inyo."

"Sige ingat ha!"

Asan na ba si Miguel? Ang hirap naman hanapin ng lalaking yun.

"Tita si Miguel po?"

"Ayun oh! Mukhang nagtatampo. Umalis ka raw ng hindi nagpapaalam"

Lumakad ako papalapit sa kanya.

"Miguel. Alis na ako. Oh ha! Nagpaalam ako sayo"

"Skyler akala ko iniwan mo na ako eh" nakapout nyang saad.

"Pwede ba yun? Syempre hindi. Kaya nga ako bumalik diba?"

"Bumalik kaba para sa akin o para sa ku--"

"Tumigil ka na nga Miguel. Sige na una na ako sayo."

Naglakad na ako papalayo sa kanya.

"Ingat ka ha! Papakasalan pa kita" sigaw nya. Tapos agad namang natinginan yung mga tao sa akin.

Tatakbo akong naglakad paoalabas ng mansyon tapos pumasok na ng kotse.

Hangal talaga yun.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon