Chapter 15: May pake ako

988 37 0
                                    

Skyler Pov

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama. Pumikit ako.

Sana pagmulat ko okay na ulit kami ni Kylie.

"Nabalitaan kong hahayaan ka lang ni Kylie"

Napamulat ako. Oo na nga hahayaan na ako ni Kylie. Tama na. Utang na loob.

Tumayo ako at kinuha sa ilalim ng kama ko ang isang box.

Binuksan ko ito. At kinuha ang isang panyo.

Kulay black ito na may tatak na Niel.

"Childhood friend kamusta ka na? Pagtatawanan mo siguro ako ngayon kasi naman ang tanga ko. Madali akong maniwala sa mga sinasabi ng iba. Madali akong maniwala sa mga tao. Iyon ang mahirap sa akin. Hindi ko alam na peke na pala si Kylie. Tanga na nga talaga ako. Oo na tanggap ko ng tanga ako. Tanga ako dahil hanggang ngayon umaasa parin akong magiging okay kami. Kelan ba kita makikita Childhood friend ko? Miss na kita. Sana hindi ka nalang umalis edi sana masaya ako ngayon. Ayy teka ng! Masaya naman ako ah! Kahit wala ka magiging masaya ako. Childhood friend nasaan ka na ba talaga? Magkikita pa ba tayo?"

Umiling ako tapos ay ibinalik ang panyo sa box.

Mukhang malabong magkikita pa tayo.

--

Naggising ako dahil may sumasampal sa pisngi ko

"Bakla" simangot kong saad.

"Kanina pa kita tinatanaw. I mean pinapanood sa pagtulog mo. Bored na ako. Tara nalang humada."

Taka nga? Nakatulog pala ako?
Hindi ko yun namalayan.

"Sino ba kasing pumunta ka rito?"

"Sabi ng puso ko. Kasi alam kong kailangan mo ng karamay"

Napabangon ako bigla.

"May namatay ba? Asan sina Daddy at Mommy? May nangyari bang masama sa kanila?" niyugyog ko si Daniel.

"Tumigil ka nga Skyler. Nahihilo ako. Walang namatay. Natatanga ka na naman. I mean doon sa karamay is kaibigan o kaya kuya o kaya lil' bro na pwedeng sandalan o pagsabihan ng hinaing."

Napairap ako at humiga ulit.

"Wala kang mapapala sa akin Daniel"

"First time mo akong tawaging Daniel."

"Pake mo ba?"

"Wala" bored nyang saad.

"That's it. Wala kang mapapala sa akin. Kasi wala ka namang pake. Alis na. Matutulog ulit ako" seryoso kong saad.

"Skyler naman eh"

"Skyler hindi nga sasamahan talaga kita rito"

Bumangon ako at umupo.

"Para saan pa? Edi ba wala kang pake? Ba't hindi yan damayan mo tutal yan naman gusto mo diba?" seryoso ko paring saad.

"Ang hard nito. Skyler naman kasi eh"

"Eh diba nga wala kang pake? Ano bang gusto mo!" inis kong sigaw.

"Dadamayan mo ako? Oh tapos? Anong mangyayari? Wala ka namang pake diba? Wala kang pake kaya anong mapapala mo? Nag-aaksaya ka lang ng oras. Umalis ka na sa bahay namin. Gabi na sa daan baka mapaano ka pa. Kilala mo naman ako. May pake ako sa lahat. Kahit sayo may pake ako. Ingat sa daan"

Tumayo na ako at binuksan ang pintuan.

"Labas" malamig kong saad.

Naglakad na sya papalabas ng kwarto ko.

Sinarado ko na rin agad ang pintuan. Nilock ko ng walang makapasok.

Biglang may kumatok.

Pagbukas ko. Nanduling ako kasi bigla ba namang ilapit yung mukha nya sa mukha ko? Sinong hindi maduduling doon?

"May pake ako lalo na sayo" nakangisi nyang saad at inilayo ang mukha sa akin.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon