Skyler Pov
Pagpasok namin sa restaurant. Kami nalang pala ang inaantay.
"Andyan na pala ang mag-ama mo" saad ni Tita (Mama ni Daniel)
"Mommy" bati ko sakanya tapos nakipagbeso-beso rin ako kina Tita at Tito.
Nagtanguan lang kami nina Daniel at Kylie. Akala ko ba reunion ng family ko at family ni Daniel? Eh bakit nandito si Kylie? Masama ba akong kaibigan? Naiinis kasi ako ngayon kay Kylie.
"Nagkita muli tayo iha. Umalis ka ng walang paalam" saad ni Tito (Papa ni Daniel).
Kailangan pa bang sabihin yung hindi ako nagpaalam?
"Oo nga po. Hehehe"
"Paano kayo nagkita?" pagtatanong ni Daniel.
"Sya yung nagdala sayo sa hospital" pagpapaliwanag ni Tita.
"Paanong hindi nagpaalam?" pagtatanong ulit ni Daniel.
Sabi ko na nga ba eh. Maraming tanong 'to.
"Pinabantayan ko sya sa iyo nung last day mo sa hospital"
"You mea--"
"Gutom na ako Mommy" pagpuputol ko.
Ayoko nga ng topic na yun. Nakakahiya kapag nalaman nilang umiyak pa ako dahil lang sa inakala ni Daniel na ako si Kylie.
"Sige kain na tayo. Waiter" pagtatawag ni Mommy.
Nagsimula na rin naman agad kaming kumain.
"Bakit ka nga pala nakshade nak?" pagtatanong ni Mommy.
"May sore eyes po siya Tita/Mommy" sabay na saad ni Daniel at Miguel.
"Paan--"
Pinutol na agad ni Daddy ang sasabihin ni Mommy.
"Nairitate yung mata nya kakakusot kaya ayun nagcause ng sore eyes. Kaya rin kami nalate pumunta pa kami sa hospital" pagpapaliwanag ni Daddy.
Oh ha! Galing ni Daddy. Ngumiti ako ng matamis kay Daddy. I love you na Daddy. Hihihi.
"Sino ba 'tong mga kasama nyo?" pagtatanong ni Tita.
"Mukha atang mabubulalyaso pa ang plano natin. May mga boyfriend at girlfriend na ang anak natin. Hindi na tayo makakapag-arrange" saad ni Tito.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Arrange po tito?" pagtatanong ko.
"Balak sana namin kayong dalawa ni Daniel"
"Bakla naman sya"
"Tanga ka naman"
Aba't.
"Tama na ang away nyo. Ipakilala nyo na kami sa dalawa nyong kasama"
"Mommy, Daddy, Tito at Tita si Kylie Tamara po. Bestfriend ni Skyler at girlfriend ko" pagpapaliwanag ni Bakla.
"Hello po. Kylie Tamara at your service" natatawang pagpapakilala ni Kylie.
"Goodluck anak. Gusto ko maraming apo ha!" pagchecheer sa kanya nina Tito at Tita.
"Oh ikaw naman Kyle" saad ni Tita.
"Kyle?" pagtatanong ni Daniel.
"Wala yun Daniel. Hahahaha" kunqaring natatawa ako.
"May tatlo po akong goodnews" nakangisi kong saad.
"Yeah. Tinaguan mo nga ako eh" saad ni bakla.
Binelatan ko nalang sya.
"Una po nakita ko na ang kapatid ni Daniel at anak nyo po. Pangalawa po nakasama nyo sya ngayon sa reunion. Pangatlo po boyfriend ko na sya"
"Iha iyan bang tinutukoy mo ay---"
"Opo Tita. Si Miguel Garcia po. Kung may doubt pa po kayo ito po ang DNA result" at inilahad ko ang envelope sa lamesa.
"Anak mag-uusap tayo" malamig na saad ni Mommy.
"Una na kami sa inyo. May pag-uusapan pa kami ng anak ko. Next time nalang ulit" paalam ni Mommy at hinila na agad ako.
Okay. Galit si Mommy.
"Tanga" lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Oh anong gusto mong sabihin?"
"Salamat at nakita mo na ang kapatid ko"
"Walang anuman. Ako pa! Yung dalawa kong favor ha! Tuparin mo"
Ngumiti lang siya sa akin tapos tumango.
"Skyler mag-uusap tayo sa bahay" at pinasok na ako ni Mommy sa kotse.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017