Chapter 56: Ha?

746 23 0
                                    

Skyler Pov

Nagising ako sa ingay ng mga batang naglalaro.

Nakatulog pala ako dito sa tree house. Hays.

Teka bakit medyo basa yung damit ko?

Ah! Oo! Umulan nga pala kanina.
*cough* *cough*

Nagkaubo pa ako.

*Hatching*

"Sipon naman? Wala ng mas malas pa sakin ngayon."

Tumayo ako kahit medyo nahihilo ako. Kinapa ko ang leeg ko at naramdamang medyo mainit. Okay! Lagnat lang naman.

Ang galing talaga. Great Skyler! Bumaba ako ng dahan-dahan sa tree house.

Malapit na ako sa dulo ng makaramdam ako ng hilo. Shit! No!

Everything went black.

"Gising na Tanga"

Ang ingay naman.

"Tanga ano na? Iinom ka pa ng gamot mo"

Ang ingay talaga. May bubuyog dito sa kwarto ko.

"Tanga kapag ako naiinis. Bubuhusan kita ng malamig na tubig"

"Wala akong pake. Shoooo. Alis na sa kwarto ko. Iniistorbo mo ang tulog ko"

"Tanga"

Bigla kong iminulat ang mata ko.
Ang bilis makaamoy ng pesteng puso oh! Basta tanga si Daniel agad nasa isip ko.

"Daniel?"

"No! Hindi ako si Daniel. Ako to si bakla. Ang nag-iisang bakla ng buhay mo"

"Di wow" pagbabara ko at humiga ulit sa kama ko.

"Tanga dali na oh. Kumain ka muna ng soup tapos uminom ka ng gamot."

"Kakain lang ako kapag umalis ka na Daniel" matigas kong saad.

Ano bang nasa utak nina Mommy at sya pa ang pinagbantay sa akin? Kakasabi ko lang kagabi na sana lumayo na sya.

"Ayoko. Binilin ka sakin ng Mommy at Daddy mo na aalagaan raw kita. Tanga kain na"

"Paano ako napunta rito? Ang alam ko lang nasa may tree house ako"

"Tree house ko for your information. Paano ka ba nakapunta roon? Paano ka nakapasok?"

"Ha? So you mean ikaw yung nagdala sakin dito?"

"Malamang. Saktong aakyat ako ng tree house ng bigla kang bumaba tapos hinihilot mo pa yung ulo mo then bigla ka nalang nawalan ng malay buti nasambot kita"

"Paano ka nakapunta roon?"

"Ako pa talaga ang tinatanong mo? Ikaw ang dapat kong tanungin. Paano ka nakapunta? Paano mo malaman ang lugar na iyon? Paano mo nalaman ang password ng tree house ko?"

"Ha? Eh... Diba nagpunta tayo roon dati? Yung hinila mo ako? Nakabisado ko kaagad."

"Pero paano mo nalaman yung password?"

"Ah si Kylie. Oo sinabi sakin ni Kylie noong kumain kaming dalawa ng sabay" pangangatwiran ko.

Sa totoo lang. Wala nang sinabi sa akin si Kylie eh. Gawa-gawa ka kwento Skyler.

"Okay"

"Umalis ka na sa bahay. Kaya ko yung sarili ko"

"Eh?"

"Yup kaya ko na ang sarili ko"

Tumayo ako tapos dumiretso sa cr. Ginawa ang dapat gawin.

Paglabas ko. Nandoon parin si Daniel. Nakatingin ako sa mga picture ko.

Hinablot ko kaagad yung hawak nyang picture frame.

"Bawal pakalman yung gamit ko ng hindi nagpapaalam"

"Nagkita na ba tayo dati Skyler?"

Ha?

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon