Skyler Pov
"Sino ka?" pagtatanong ko.
Hindi ko naman kasi sya kilala eh.
"Maganda ka talaga kaso tanga ka." saad nya.
"Ah! Kilala ko na. Ikaw si Miguel. Hahaha it's nice to meet you again" ngisi kong saad.
"Buti naman naalala mo na ako." saad nya tapos ay umupo sa tabi ko.
"Bakit ka naparito?" pagtatanong nya.
"Bawal na bang pumunta ang mga magagandang katulad ko rito?"
"Bawal na bang pumunta ang mga tangang katulad ko rito? Dapat yan yung sinabi mo" ginaya pa nya ang boses ko tapos utas ng kakatawa.
"Hindi nga ako tanga eh. Medyo curious lang ako sa mga bagay-bagay pero hindi ako tanga."
"Okay lang naiintindihan kita. Kahit tanga ka maganda ka parin"
"Kapal nito" at siniko ko sya sa sikmura.
"Hahaha. Maiba tayo. Kuwento ka nga"
"Lagi namang ako yung nagkukwento eh" nakapout kong saad.
"Hindi. I mean is about doon sa bestfriend mo? Kamusta na kayo?"
"Ah iyun? Okay lang ako. Ewan ko lang sya. In short di pa kami okay"
"Tanga ka talaga."
"Hayaan mo na. Maganda pa rin ako"
"Stop pretending that you're okay especially if you're not."makahulugan nyang saad.
"Okay nga lang ako eh. Kulit mo rin"
"Weeeh?"
"Oo nga"
"Talaga?"
"Miguel'tot tigilan mo nga ako. Wala kang mapapala sa akin"
"Miguel'tot? Ayoko nun ang bantot"
"Mabantot ka rin naman ah" pang-aasar ko.
"Hindi no! Hindi nga ako lumalabas ng bahay eh"
"Joke lang ito naman hindi na mabiro"
"Alam ko. Loka ka"
"Maganda pa rin"
"Gwapo pa rin"
"Sino?"
"Ikaw! Ikaw! Malamang ako." sarcastic nyang saad.
"Kinalaman ko ba naman dyan. Malay mo yung sinasabi mo yung balyena kanina." natatawa kong saad.
"Tigilan mo nga ang kakapula ng iba. Masama yan ha! Mapapahamak ka. Pasalamat ka dumating ang gwapong katulad ko para iligtas ka"
"Kapal mo! Di ka pogi. Isa kang hangal" at dinuro ko pa sya.
Hala? Ngumiti lang sya.
"Edi ikaw na ang model ng tooothpaste" saad ko.
"Hindi ba ako gwapo?"
"Ewan ko! Bihira lang ako makaappreciate ng gwapo at maganda. Kaya kapag sinabihan kita nun magdiwang ka na"
Narinig kong may binubulong sya.
"Hoy! Ano binubulong mong hangal ka?"
"Wala! Wala!" malakas nyang bulyaw.
"Oo na wala na. Lakas makasigaw"
"Back to the topic. Gwapo ako diba?"
"Ewan ko nga. Kulit nito"
"Bawal yung ewan ko. Oo o hindi lang"
"Kulit mo"
"Dali na kasi"
"Ayoko"
"Oo o hindi lang naman eh"
"Tinatamad ako"
"Nakakatamad bang magsalita ng Oo?"
"Oo kaya"
"Gwapo ako diba?"
Di ko sya pinansin. Kulbit sya ng kulbit.
Paglingon ko sa kanya nakangisi na naman sya.
"Oo na gwapo ka na." simangot kong saad.
"Hindi naman ata eh"
"Gwapo ka" bored kong saad.
"Napipilitan ka lang naman eh"
"Hindi no! Gwapo ka"
"Bakit di ka masaya kapag sinasabi mo yung gwapo ako?"
"Gwapo ka" nakangisi kong saad.
"Bakit hindi ka malungkot?"
"Gwapo ka" nakahikbi kong saad.
"Bakit hindi nakakatakot?"
"Gwapo ka" nanginginig kong wika.
"Bakit hindi nakakainlove?"
"Gwapo ka" nakangisi kong saad. Yung ngiti kong matamis talaga.
"Hahahahaha. Ang dali mong mauto. Tanga ka talaga pero maganda ka parin talaga sa kahit na anong angulo. Ingat ka papakasalan pa kita" sigaw nya habang pumapasok sa bus.
"Gwapo ka nga kaso malakas trip mo. Pero totoo gwapo ka. Salamat sa oras. Ingat" at nagwave pa ako sa kanya hanggang sa makalayo ang bus.
Pagtayo ko. Bigla kong naalala yung sinabi nya.
Anong pinagsasabi ng hangal na yun? Ingat ka papakasalan pa kita? Aba't. Lakas ng apog ng hangal na yun.
--
Miguel at the multimedia~
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017