Chapter 16: Never ako maiinlove

991 32 0
                                    

Skyler Pov

"Ano bang pumasok sa utak mo at gusto mo akong damayan?"

"Wala lang tsaka magpasalamat ka nga sa akin minsan lang ako magkapake. Maswerte ka na gwapo nagsabi sayong may pake."

"Mas pipiliin ko pa ang taong
panget na nagsabi sa akin ng may pake sya at sincere kaysa sa taong gwapo nga hindi naman sincere." taas-baba ng balikat ko.

"Sincere ako tanga"

"Parang hindi bakla"

"Tigilan mo ako Skyler. Nagpunta ako para damayan ka hindi para insultuhin mo ako"

"Iniinsulto mo rin kaya ako! Hindi naman ako tanga eh"

"Tanga ka naman talaga ah"

"Bakla ka." inis kong sigaw sa kanya.

Humiga muli ako at nagtalukbong ng kumot.

"Hoy! Galit ka tanga?" pagtatanong nya.

"Umalis ka na." malamig kong saad.

"Tanga naman eh"

Hinayaan ko na lang sya magdadakdak doon. Bahala sya mapagod. Ayokong magsalita. Naiinis lang ako. Dagdag pa yung pabebeng si Kylie. Bestfriend ko pero walang pake sa akin. Tapos anong sabi nya? Hahayaan nya ako? Kapal ng mukha nya.

"Tumahimik ka na nga bakla. Ano bang gusto mong mangyari?" sigaw ko sa kanya.

"Tara sa labas"

Bago pa ako makapagsalita hinila nya na agad ang braso ko.

"Tita at Tito pupunta lang po kami ni Skyler sa labas" pagpapaalam nya kina Mommy.

"Upo ka muna" wika nya.

Umupo nalang ako sa may bench.

"Tanga oh" sabay lahad nya ng kamay na puno ng lollipop.

Umiling lang ako.

"Bakit ayaw mo? Masarap kaya"

Binuksan nya yung isa at inilagay sa bibig nya.

"Ayoko sa sweet." saad ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ha? Kasi bitter ka kaya ayaw mo ng sweet?"

"Walang kinalaman yung.pagiging bitter ko. Gaga. Lumaki akong hindi ko ginusto yung mga lasa ng lollipop o kendi."

"Para namang hindi ka dumaan sa pagkabata mo"

"Mas gusto ko bubble gum"

"Ang weird mo. Samantalang kami ni Kylie favorite ang lollipop. Kaya parang nakadestiny na talaga kami. Meant to be kumbaga"

"Yak kadiri ka bakla. Ang corny. Mandiri ka nga sinasabi mo."

"Naku! Kapag ikaw talagang tanga na bitter ka sa buhay nainlove. Pagtatawanan kita. Kahit corny kikiligin ka. Tandaan mo yan" at kumindat pa sya.

Never akong maiinlove. As if namang kikiligin ako. Hindi ko nga alam pakiramdam nun eh. Ah basta never at hinding-hindi ako maiinlove.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon