Skyler Pov
"Naniniwala akong babalik sya. Antay lang. Babalik rin yung kilala kong Skyler na tanga na makulit."
"Ikaw? Maibabalik mo ba yung bata mong version? Yung batang Niel? Yung batang uhugin?"
"Ewan ko. Bakit?"
"Kasi ako? Naniniwala kong hindi na sya babalik pa."
"Teka paano mo nalamang nickname ko yung Niel noong bata ako? Paano mo nalamang uhugin ako noong bata?"
"Ewan ko"
"Tanga ka"
"Ang dami mo kasing tanong. Naliliyo ako sayo"
"Baka ikaw yung childhood friend ko ha!"
"Baka nga"
"Pero malabo eh. Ang nakikita ko sa panaginip ko. Kylie. Di naman yun pangalan mo"
Sarap iumpog ng lalaking 'to. Kyle yun gago. Kyle yun nawala yung S at R kasi bulol ako. Tanga.
Nagkibit-balikat lang ako tapos pumasok na ulit sa kwarto ko. Sapat na siguro yung hint at clue kong binigay. Ayoko ng magpaliwanag pa.
Ang lamig talaga. Kumuha ako ng panibagong jacket. Tatlo na yung jacket kong suot tapos nakakumot pa ako ng dalawa.
Breee~ ang lamig parin.
Naramdaman kong may humiga sa kama ko tapos niyakap ako. Amoy palang nya alam ko ng si Daniel to. Hinayaan ko nalang sya sa ginagawa nya. Pakiramdam ko nawala ang lamig.
"Skyler" saad nya sakin ngunit hindi ko sya sinagot at nagpanggap nalang akong nakapikit at natutulog.
Mas lalo nyang hinigpitan yung yakap sa akin.
Daniel Pov
Ilang oras narin ang nakakalipas pero nakayakap parin ako sakanya.
Akala ko pa namang naghihilik sya sa pagtulog pero hindi pala.
Unti-unti kong inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya. Pagbangon ko tiningnan ko muli sya.
"Sky--"
"Wag mo kong iwan Miguel" bulalas nya.
Pati sa panaginip si Miguel parin nasa isip ng babaeng ito.
Hahakbang na sana ako para umalis na sa kwarto nya pero hindi ko aakalaing hinawakan nya ang kamay ko.
"Miguel" piyok na saad nya.
Lumingon ako sa mukha nya at nakitang umiiyak sya.
Dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa pisngi nya.
"Naniniwala akong hindi ka papaiyakin ni Migs" bulong ko sa tenga nya pagkatapos ay hinalkan ko sya sa pisngi.
"Sorry Skyler. Sorry" bulalas ko bago ako lumabas ng kwarto nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017