Chapter 4: Nagkamali pala ako

1.7K 59 4
                                    

Skyler Pov

Paggising ko bumungad agad sa akin ang mukha ni Daniella.

"Bakla" saad ko at umayos ng upo.

"Bakit ako nandito?" pagtatanong ko.

"Nahimatay ka"

"Ah. Oo. Naalala ko na inatake ako ng allergy ko."

"Saan ka ba may allergy"

"Hipon. Teka lang Daniella anong oras na?"

"6 na ng gabi."

"Patay ako kay Daddy"

"Parehas lang tayo. Tara na hatid na kita sa inyo. Baka atakihin ka na naman ng allergy mo tapos dagdag pang tanga ka"

Aba't! Tumango na lang ako. Sya na rin ang nagbayad pagkatapos ay naglakad na kami.

"Malapit lang naman ang bahay namin dito so okay lang maglakad." pag-oopen ko ng topic.

Ang lamig na nga tapos hindi pa kami mag-uusap.

"Same." tipid nyang saad.

"Teka lang bakit may inhaler ka sa bag mo?"

"Ah may allergy rin ako sa hipon"

"So same tayo?"

"Tanga"

Napatigil ako sa paglalakad. Andito na pala kami sa bahay eh.

"Salamat Bakla. Bye." malakas kong sigaw pagkatapos ay tatakbong pumasok sa bahay namin.

"Bakit ngayon ka lang?" malamig na saad ni Daddy.

"Eh kasi Dad--"

"Tapos ano 'to nagkazero ka?".

"Kasi Daddy inatake ak--"

"Kumain na muna tayo" pag-eepal ni Mommy.

Hindi man lang ako patapusin. =_=

Umupo na ako pagkatapos ay nagdasal kami.

"Skyler how was your day?" pagtatanong ni Mommy.

"Edi ayun zero" pagsasagot ni Daddy.

Eh bakit hindi nalang kaya si Daddy yung maging ako tapos ako maging sya. Hahaha.

"Nagkazero po ako tapos inatake ng allergy"

Isang kurap lang nasa tabi ko na silang dalawa at tinitingnan ang buong katawan ko. Andami nilang tanong. =_=

"Mommy and Daddy okay lang po ako. Medyo makati pero lalagyan ko na lang ng ointment mamaya." ngiting-saad ko.

"Sure kang okay ka lang talaga?" pagtatanong ni Daddy.

"Opo" magalang kong saad.

Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pagkain.

--

As usual tanghali na naman ako. Wala ng bago roon.

Pagpasok ko sa room late ako ng 30 minutes. Nakakatamad pumasok.

*ringgg*

Yehey! Recess na!

Bumili na ulit ako ng favorite kong kainin. Itlog pugo at zesto.

"Skyler anong nangyari dyan sa katawan mo? Andaming pantal. Hindi ba makati?" pagtatanong ni Kylie.

Napatigil ako sa pagtatalop ng itlog pugo. Binitawan ko ito at tumingin ng diretso sa kanya.

"Edi ba pinakain mo ako ng pansit na may hipon."

"May allergy ka ba sa hipon?" pagtatanong nya na kinalaki ng mata ko.

Matagal na nyang alam na may allergy ako. Kasi kilalang-kila nya na ako. Kalahati ng buhay ko sya ang kasama ko. Pero ano 'tong sinasabi nyang hindi nya alam na may allergy ako sa hipon.

"Hindi mo alam Kylie?" pagtatanong ko muli.

Tumango sya. And it hits me. Hindi nya ako kilala ng lubusan.

"Matagal na tayong magkakilala. Mahigit kalahati ng buhay ko ikaw ang kasama ko pero hindi ko aakalaing sa simpleng allergy ko hindi mo alam. Samantalang ako? Alam ko kung ano ang malimit mong sabihin kapag natutulog ka. Oo Kylie nag-i-sleep talk ka. Lagi mong sinasabi ang katagang 'Daddy'. Alam ko rin ang mga ayaw mo. Alam ko rin ng pinakamaliit hanggang pinakamalaking detalye sa buhay mo. Ang ayaw at gusto mo. At alam mo? Alam ko kung kelan ka nagpapanggap na okay o hindi. Mas kilala pa kita kesa sa sarili ko Kylie."

Tumayo na ako. Alam ko hahabulin nya ako. Kasi alam na alam ko kung nong ugali meron sya.

"Kylie" pagtatawag ng isang staffers sa kanya.

Diba ako ang pipiliin mo bestfriend? Diba Kylie?

Napabagsak ang balikat ko ng sumama sya sa isa sa mga staffers ng school paper namin.

Nagkamali pala ako ng pagkakakilala sayo. Kylie.

--
A/n: Wala akong maisip na portrayer kaya si Dara nalang. Hahaha. Kylie at the multimedia. Dara rp.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon