Skyler Pov
Dalawang araw akong umabsent. Hindi dahil nasasaktan ako. Ang Oa ko naman. Hahahaha. Kundi dahil sa mata ko. Kasi medyo paga sya.
At ngayon ito ako papasok na ulit. Life must go on. Aja!
"Goodmorning Ma'am" nakangiti kong bati sa guro namin na nakatayo at nagdidiscuss.
"Bakit ka absent ng dalawang araw?" pagtatanong nya.
Lumingon ako kay bakla pero umiwas lang sya ng tingin sa akin.
"Hindi po ba sinabi ni Daniel sa inyo na may sore eyes ako? Kakagaling ko lang po"
"Okay. Umupo ka na sa upuan mo"
Tumango na lang ako tapos nagpatuloy na sya sa pagdidiscuss.
"Da--"
Naputol ang sasabihin ko ng maalala kong lalayo na nga pala sya sa akin.
Umupo nalang ako ng hindi sya pinapansin at nakinig sa guro namin.
Hays.
"Skyler!" malakas na sigaw ni Kylie.
"Ang ingay mo naman Kylie! Anong problema?"
"Yayain sana kitang sumabay magrecess sa amin ni Daniel"
La? Ano bang nasa utak ng gagang 'to? Lumalayo na nga ako eh. Ang kulit rin.
"Ah ka--"
"Diba Daniel okay lang sumabay sya sa atin? Diba?" nagpuppy eyes pa si Kylie kay Daniel.
"Oo naman" sagot ni Daniel.
Tss.
"Hindi ako pwede eh. Kailangan ko pang gawin yung assignment sa science."
"Ay ganun ba? Sige Skyler next time nalang"
Nagwave kami sa isa't isa tapos nawala na sila.
Dumiretso ako sa library at naghanap ng magandang babasahin.
*ringgggg*
"Quiet" pagsita sa akin nung librarian.
Sino ba kasing walang hiya at tatawag sa akin ngayon?
Miguel?
"Oh Miguel napatawag ka?"
[Goodmorning baby kamusta school mo?]
"Ha? Anong baby? School ko? Okay naman. Masaya"
[Dapat galingan mo baby ha! Para sa future natin 'to]
"Malakas ata sayad mo ngayon. Oo na gagalingan ko para sayo"
[Baby gusto kong dyan narin pumasok]
"Wag na. Okay lang ako. Sunduin mo nalang ako mamaya. Kain tayo. Libre mo syempre"
[Okay. Baby anong ginagawa mo ngayon? Hindi ba dapat kumakain ka ngayon kasi recess?]
"Wala akong gana kumain"
[Dahil ba sa kapatid mo?]
"La? Yung tono mo mukha kang nagseselos Miguel"
[It's Baby not Miguel]
"Hoy! Miguel dalawang ara--"
[Oo na alam ko namang break na tayo. Pero hindi kita natawag na baby nung naging tayo eh. Tawagin mo nalang rin akong baby para kabayaran sa ginawa mo sa aking panakip butas]
"Kinokonsensya mo ko Miguel. Oo na"
[Sige bye Baby. Susunduin kita mamaya ha!]
"Okay Bye" walang gana kong sagot.
Napalingon ako sa labas ng libabry.
Nakita ko roon si Daniel may dala syang pagkain pero bigla nyang inilagay sa likod nya.
Ayoko mag-assume.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017