Skyler Pov
Tatlong minuto kong hinaplos ang buhok nya.
Daniel. Kung hindi ka ba naakasidente magiging ganto tayo? Makikilala mo ba si Kylie? Makikilala mo ba ang bestfriend ko? Kailangan bang humantong tayo sa gantong sitwasyon? Sa sitwasyong kailangan kong manindigan. Sa sitwasyong kailangan kong timbangin kung ano ang mas mahalaga. Kung saan wala akong taong masasaktan. Kundi ako lang. Ako lang yung masasaktan sa ating lahat.
Napailing ako. Natatanga na naman ako.
"Hoy! Daniel gumising ka na"
Ilang minuto ko pang pinakatitigan ang mukha nya.
Humakbang pa ako ng isa para mas mapadikit sa kanya.
"Daniel"
Tulog ka nga siguro. Tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana pero bigla nyang hinawakan ang braso ko.
"Dan--"
"Wag mo kong iwan...Kylie" mahina nyang saad.
Napaharap ako sa kanya ng sabihin nya iyon.
Umiiyak at nasasaktan. Yan yung mukha nya ngayon. Kusang gumalaw ang kamay ko sa pisngi nya na basa na.
Daniel naman. Hindi mo ba alam na si Skyler ang nasa harapan mo ngayon.
"Mahal kita. Kylie" utal nya.
Oo na nga. Mahal mo na sya. Diba? Hindi naman ako lumalaban diba? Nagpaubaya na nga ako diba?
Siguro nananaginip 'to.
Bigla nya akong kinabig at niyapos.
"Kylie" saad nya.
Nagpatakan ang mga luha ko.
Niyapos ko lang rin sya.
Hindi ako si Kylie. Skyler Rodriguez 'to. Ang chilhood friend mo. Ang bitter at tanga na babae na nainlove sayo. Daniel naman.
Umalis ako sa yakap at umayos ng tayo. Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"Salamat" nakangiti kong saad kahit tumutulo yung luha ko.
Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang papalabas ng room nya.
Tama na Skyler.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Dla nastolatkówWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017