Chapter 30: Does it mean?

774 24 3
                                    

Skyler Pov

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nanlaki ito ng makitang nakayakap pala ako kay bakla.

"Sorry. Sorry sa pagyakap ko. Hindi ko sinasadya. Nagitla lang ako sa pusa. Sorry talaga" tumalikod na rin agad ako sa kanya.

"Skyler" pagtatawag nya sa pangalan ko.

No Sky! Hindi ka lilinggon. Hindi ka titigil. Iiwas ka diba?

Pero peste. Ito ako tumigil at humarap sa kanya.

"Umiiwas ka ba?"

"Ha? Ano? Ako umiiwas?. Ba-bakit naman? May dapat ba akong iwasan?" pagmamaang-maangan ko.

"Kung hindi ako umiiwas sa akin so tara na mamamasyal"

"Ha?... Ah. Eh... May kailangan pa akong tapusin sa bahay eh. Sorry next time na lang" pagdadahilan ko.

"Iniiwasan mo talaga ako Skyler"

"Hindi no!"

"Bakit ayaw mong sumama sa akin?"

"Eh kasi nga diba--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi inilapit nya yung mukha ng pusa sa mukha ko.

Dejavu lang. Nangyari narin 'to. Pero kay Miguel naman.

Pumikit nalang ako at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng damit ko.

"Kitty meet Tanga" rinig kong usal nya.

Napamulat ako bigla. Dejavu talaga. Nangyari narin 'to pero kay Miguel. Nung pinakilala nya ako kay Hello na pusa nya.

"Bakit Kitty?"

"Kinuha ko sa Hello Kitty"

La? Ganoon rin yung dahilan ni Miguel. Kinuha nya sa Hello Kitty yung pangalan ni Hello.

Para akong nagbubuo ng isang puzzle ngayon.

"Tanga nagmoew na yung pusa ko. Hindi ka ba mag-ha-hi"

"Ewan ko sayo bakla"

"Nakakamiss ka. Nakakamiss yung pagtawag mo sa akin ng bakla. Salamat"

"Ha? Anong nakakamiss doon?"

"Isang linggo Skyler. Isang linggo akong nagtatanong may naggawa ba akong mali at iniiwasan mo ako. Bakit nga ba?"

Hindi ko sya pinansin at inintindi nalang ang nasa isip ko. Malapit ko ng mabuo yung puzzle sa utak ko.

Pusa. Hello at Kitty. Miguel at Daniel. Maputi. Matangkad. Parehas gwapo. Hinahanap ni Miguel yung pamilya nya. Hinahanap ni Daniel yung nawawala nyang kapatid. Does it mean? Magkapatid silang dalawa?

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon