Chapter 64: Noby

778 23 0
                                    


Skyler Pov

Papunta ako ngayon sa mall para makipagkita kay Alxyziah.

"Hoy! Babaita rito"

Napalingon ako sa sumigaw. It's her.

"Ang ingay mo parin talaga. So ano na? Asan na yong sinasabi mo?"

"Tara muna sa 2nd floor bili tayo ng dress kasi ang panget ng damit mo"

Siguro nagtataka kayo noh? Well close na kami nya dejoke lang. Nag-uusap na kami nyan ng hindi pabalang pero di parin kami close. Ayoko parin sa kanya. Kasi isa parin syang dakilang epal sa paningin ko.

Natapos akong mag-ayos ng pesteng sarili ko. Pero infairness nakakahilo ang papapalit-palit ng damit.

"Sige okay na." tapoa ngumita pa tong babae na to. Sarap tuktukan eh.

"Tara na sa resto"

Well kung itatanong nyo may date ako ngayon. Kanino? Secret dejoke lang. Di ko rin alam. Pinilit ko lang talaga si Alxyziah na maghanap ng boy para sa date sa valentine's day. Para rin makalimot. Try lang naman diba?

Kasi nakakainis si Miguel dapat sya yong date ko ngayon eh.

FLASHBACK

"Miguel ano na? Akala ko ba magdedate tayo?" nakapout kong tanong sa kanya.

"Sorry" saad nya habang nakayuko.

"Hoy para kang tanga. Bat di ka humarap sa akin?"

"Sorry" ulit nya muli.

"Jinojoke mo ba ako Miguel?"

"Hindi kasi ako makakapunta sa date kasi ano..."

Hinihintay ko ang sasabihin nya. Pero wala. Nainis ako kaya't inangat ko ang ulo nya.

Nanlaki ang mata ko.

"Bat? I mean anong nangyari dyan? Sinong may gawa nyan? Tanga ba sya para suntukin ang gwapo mong mukha? Sabihin mo sakin sino ang may gawa nyan?" nanggigil kong tanong sa kanya.

"Sky"

"Okay ka lang ba? Pwede namang ipostpone yong date natin diba?"

"No. Hindi pwedeng ipostpone. Kailangan may kadate ka. Ayoko lang talagang may kadate kang may gantong mukha"

END OF FLASHBACK

Yun yung nangyari kaya ayon andito ako. Lumapit kay dakilang epal.

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita sya.

"Skyler babye. Ingat ka" tapos umalis na sya agad.

Buti nalang talaga mababa tong heels ko. Kung hindi nadapa na ako kanina.

"You should be, Skyler?" pagtatanong ng isang sabihin na nating matangkad, maputi tapos gwapong lalaki teka para nireresemble sa kanya si Daniel.

No way! You should start to move-on.

"Yes and you are?"

"Just call me Nobody" wika nya.

[A/n: Isa lang naman syang epal sa story ko. I mean extra so di na kailangang lagyan ng name. Coz malapit na tong magwakas hihihi]

"Don't like. I'll just call you Body? Or Noby? What do you think?"

"I'll prefer Noby. So saan tayo magsisimula?"

"Marunong ka pala magtagalog eh."

"Sorry" tapos nagpeace sign sya. Ang cute nya.

Hindi ko namalayang pinisil ko ang pisngi nya.

"Sorry"

Ang cute talaga.

"Okay lang. Kain nalang muna tayo"

So yon kumain muna kami sa Mcdo. Habang naglalakad kaming dalawa bigla syang tumigil.

"Gusto mo nong teddy bear? Teka kukuhain ko para sayo"

Nakailang ulit sya ng try pero hindi nya parin nakukuha. Ang cute nya seryoso.

"Okay lang kung hindi mo makuha. Hindi rin naman ako mahilig dyan"

"No. Para sayo kukunin ko" 

Biruin nyo? Medyo kinilig ako. Hahahaha. Ang cute nya talaga sarap nyang iuwi sa amin.

"Bro pwedeng ako muna?"

Napalingon ako sa nagsalita. Daniel. Anong ginagawa nyan dito? May date rin ba sila ni Kylie?

Nevermind that.

"Tara na lang sa iba Noby. Libre mo nalang ako ng lollipop" natatawa kong saad.

Pero biglang may humawak ng braso ko tapos ewan ko kusang sumunod nalang ako at hindi na nagreklamo.

"Here! Ayokong nakikipagdate ka sa iba naiintindihan mo? Kung gusto mo ng teddy bear magsabi ka lang bibigyan kita. Kung gusto mo ng date magsabi ka lang rin, darating ako sa kung nasaan ka man. At mas lalong kung gusto mong magpaganda hindi mo na kailangan, basta makita lang kitang nakangiti, maganda ka na!" sabi sa akin ni Daniel tapos binigay sa akin yong teddy bear na pusa.


Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon