Chapter 59: Black

739 18 0
                                    

Skyler Pov

Narinig kong sumarado ang pintuan.

Pero nanatili parin akong umiiyak. Umiiyak ako hindi dahil nanaginip ako. Gising ako. Umiiyak ako kasi akala ko maririnig ko ang salitang gusto kong marinig sa kanya pero hindi yung sinabi nya lang hindi ako papaiyakin ni Miguel. What a totally stupid jerk Daniel!

Fair na tayo kasi ginawa mo rin to sakin nong naospital ka inakala mong si Kylie ako the hell is that! Bumangon ako at inalis ang mga jacket sa katawan ko. Alam kong wala na akong sakit. Sinat nalang 'to.

--

Ilang buwan na ang nakakalipas matapos ng magkalagnat ako at nong nagbantay sya sakin. Lumipas ang pasko at bagong taon na parang walang nangyari. Tsaka yun narin yung last naming pag-uusap kasi lumipat na ako ng school. Hindi ko na kasi kaya pa. Sobra nakong nasasaktan.

"Sky, ano na? Late ka na naman" sigaw ni Mommy.

"Mommy andyan na po" lumabas na ako tapos nakanganga pa si Mommy.

"Sky bat ganyan suot mo? Bat di ka nakauniform?"

"Daddy valentine's day ngayon. Wala ba kayonf surprise kay Mommy?'

" Oh ano namang kinalaman ng valentine's sa pagbablack mo?"

Sumubo muna ako ng bacon.

"Color coding Daddy. Black stands for bitter"

"Hanggang ngayon ba naman bitter ka parin?"

"Mommy naman" maktol ko sa kanya

"Oo na nak" at nagrolled-eyes sya sakin.

"Daddy oh binubully ako ni Mommy" nakapout kong pagsusumbong

"Tama lang naman ang Mommy mo. 5 buwan na ang nakakalipas Sky hindi ka parin nakakamove-on masaya na sila. Going strong ang relasyon ni--"

"Stop it Dad. Una na ako sainyo" at nagbeso-beso ako sa kanila

"Take care Sky"

Kumaway nalang ako sa kanila at lumabas na ng bahay.

Pagpasok ko sa gate ng school ko luminga-linga muna ako. Well halos lahat sila nakared. Don't care.

So para malaman nyo kung ano meaning ng mga kulay heto:

Red for taken or in a relationship.
Black for bitter
White for single
Pink for it's complicated
Blue for NGSB or NBSB no boobs since birth joke hahahaha.
Green for friendzone
Yellow for moving on kasi magliliwanag raw muli yung buhay mo.

"Teka miss ito oh" epal nung isang SSG officer tas binigay sakin yung mga heart na shape na may tape sa likod. Kumuha ako ng iba't-ibang kulay.

"Bat lahat kinuha mo?"

"Bawal ba?" natatangang tanong ko.

"Hindi sige okay lang" tas umalis na sya.

Idinikit ko na sila sa may kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Skyler ikaw lang ata ang nakablack ah"

Lumingon ako para malaman kung sino ang tumawag sakin.

Hala ka? Bat nandito si Alxziah? Bat andito yung mga estudyante ng dating kong school? And for the first time bat andito si bakla?

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon