Skyler Pov
"Bakla. Kanina pa tayo rito."
"Hoy bakla! Gaano pa ba tayo tatagal dito?" pagtatanong ko.
"Hoy! Pansinin mo naman ako oh"
"Hoy bakla. Ano na?"
"Kelan tayo lalabas?"
Hindi ako pinapansin ni Daniel na bakla. Ewan ko dyan.
"Ewan ko. Tigilan mo ang pangungulit sa akin. Pero dati isang oras lang ako kapag nag-i-stay dito. Pero bakit ang tagal naman ata natin dito?"
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa may pintuan.
"Tanga, ano na naman bang katangahan ang gagawin mo? Bumalik ka na dito"
Hindi ko sya pinansin at pinukpok lang ang pintuan. I mean is kumakatok ako tsaka gumagawa ng ingay.
"Hoy! Tigilan mo nga yang ginagawa mo! Mas lalo kayong magtatagal sa loob" saad ni Manong.
Meron naman palang bantay eh.
"Manong gaano pa ba kami tatagal rito? Ayoko na rito. Lalo pa kasama ko ay isang bakla" pagmamakaawa ko.
"Manong dali na kasi. Palabasin mo na ako. Wala naman talaga akong ginawa eh." saad ko.
"Oh sige na nga. Teka lang may naisulat ka na ba?"
"Po? Ano pong naisulat?"
May bumatok na naman sa ulo ko. Sumusobra na 'tong baklang to ha!
"Masakit sabi bakla eh"
"Wala pa pong sulat na naggagawa kaming dalawa Manong. Sige po sasabihn napang po namin kapag tapos na kami."
Hinila ako ni Bakla sa may lamesa na puno ng blankong papel.
"Magsulat ka"
Nanlaki bigla ang mata ko.
"You mean? Lahat 'to susulatan ko?"
"Tanga. Isa lang papel"
Nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan. Akala ko talaga lahat yun eh.
Kumuha ako ng papel at kinapa sa bulsa ng palda ko ang ballpen ko.
"Teka lang ano isusulat ko dito?"
"Tanga"
"Ha? Isusulat ko lang yung salitang tanga?"
"Tanga ka talaga. Naiinis na ako ha! Isulat mo yung mga ayaw mo sa akin" inis nyang bulyaw.
Natahimik naman ako at tumango nalang.
Ano bang ayaw ko kay Daniel na bakla?
Ah!
Kasi kanina bigla syang nagbabago ng mood. May pagkacold sya.
Limang bagay na ayaw ko kay Daniel na bakla.
Una ayoko ng ugali nyang tarantado.
Pangalawa ayoko ng ugali nyang madaling mafall.
Pangatlo ayoko ng pagrorolled-eyes nya sa akin.
Pang-apat ayoko ng ugali nyang mahilig mang-asar lalo pa't ang tawag nya sa akin ay tanga.
Lastly, pinakaayoko ang bigla syang magiging cold o snob.
Napangiti ako ng matapos kong isulat ang gusto ko.
Itinalikod ko ang papel at binaliktad ng tayo.
Maliit kong isinulat ang mga katagang ito.
Ayoko mang tanggapin pero lahat ng limang bagay na yan gusto ko sayo. Naiinis ako pero hindi ko aakalaing magiging ganto tayo kaclose. Naiinis akong noong sinabi mong crush mo ako nakaramdam ako ng pakiramdam kapag umiihi ako ah basta para ganun. Hindi ko alam kung ano tawag doon o baka naman kinilig ako? Ah ewan ko. Basta sana ingatan mo ang bestfriend kong si Kylie. Hindi ko talaga alam ang nararamdam kong 'to. Pero kung mahal na kita edi mahal. Hahaha. Joke lang pero kung totoo nga. Ganto ang sasabihin ko sayo. Mahal kita pero mas mahal ko ang bestfriend ko. Sana ingatan mo sya at mahalin gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Sorry.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017