Skyler Pov
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang nagcomment si Kylie.
Kylie: Ang gwapo nya bestfriend. Pakilala mo ako dyan ha! Napakadaya mo talaga hindi ka na nagsama hindi mo pa ako pinapakilala sa kanya. Yie~
"Nagcomment yunf bestfriend mo sa picture natin. Okay na ba kayo?" pagtatanong ni Miguel.
"Hindi ko alam" at tumingin muli ako sa screen ng phone ko.
"Mukhang okay na kayo ah! Replyan mo na sya."
Umiling ako.
"San nga ganoon lang kadali. Ganoon lang kadaling magreply at magpatawad. Ganoon na lang kadaling kalimutan ang lahat. Sana nga hindi na sya nagsabi ng hahayaan nya ako. Sana nga lahay iyon madali kong matanggap sa sarili ko. Pero hindi eh. Ang sakit parin dito. Ang sakit sa dibdib na kahit kailan hindi nya ako naappreciate kung ano ako. Oo aaminin ko iba ang ugali ko. Moody ako minsan. Nambubully tapos minsan trip kong hindi magsalita pero lahat yun may dahilan. Kaso sya ang ginagawa nya simple lang. Lalayo o iiwas sya sa akin. Oo tama may punto sya. Kasi baka kailangan kong mapag-isa. Lagi nya akong initindi at inuunawa pero mali. Kahit kailan hindi ko kailangang intindihin. Gusto ko namang kilalanin ako. Kilalanin mo kung ano ako. Kasi sya? Never syang kinilala ako. Never syang nagtry kung magagalit ba ako kung mangungulit sya kapag galit ako. Kapag hindi ako nagsasalita at tahimik lang never syang nagtry na kulbitin man ako o tawagan. Lalayo sya sa akin. Hindi nya ako papansin at sa huli ako rin yung unang papansin sa amin. Gusto kong alamin nya kung ano ako. Hindi ko gusto ng ganoon. Hindi ko gustong layuan o iwasan ako kapag kakaiba ang pinapakita ko. Simple lang naman yung gusto ko sa kanya eh. Yung magtry naman sya isang beses. Magtry syang lapitan ako kapag tahimin ako. Magtry syang pakalmahin ako kapag umiiyak ako. Magtry naman syang kilalanin ako. Try nyang kilalanin ang isang Skyler Rodriguez." pagkatapos kong sabihin iyon tumingin ako kay Miguel at ngumiti ng mapait.
"Never ba sya--"
"Joke lang. Naniwala ka naman agad?" at humagalpak ako sa tawa.
Pero sya? Nakatingin lang sa akin.
Bigla akong napatigil sa pagtawa kasi ako lang yung tumatawa sa aming dalawa. Mukha akong baliw. Enebe.
"Tara na. Iuwi mo na ako"
"Ligawan kita"
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017