Chapter 7: Detention

1.4K 57 2
                                    

Skyler Pov

Nakakainis yung baklang yun. Akala mo naman kung sino sya. Biruin nyo nadetention ako kasama ang walang hiyang iyon. Napakalakas talaga ng topak at katarantaduhan noon sa katawan nya.

-Flasback-

Pagpasok ko sa room masayang nagdisiscuss yung guro namin.

Sinita na naman nya ako na late ako at tumango na naman ako.

As in walang bagong nangyari yun pala este mali. May bagong nangyari.

Last subject na namin. At syempre excited na akong umuwi.

Hindi ko nga alam kung bakit lagi akong nakangiti ngayon. Siguro kasi hindi ako kinukulit ni bakla na katabi ko ngayon.

Pero mali! Isang malaking mali. Kasi tumingin sya sa akin ng nakangisi.

"SKYLER RODRIGUEZ!" malakas ni sigaw ni Ma'am.

Lumingon ako sa blackboard kung nasaan yung guro namin.

Peste! Yung pwet nya nakadikit sa blackboard namin. Hahahaha. Tangina laughtrip.

Hindi ko namalayang ako lang pala ang tumatawa.

"Walang modong bata. Hala! Pumunta ka sa detention room ngayon rin."

"Po?" malagang kong saad.

"Alam kong ikaw ang may gawa nito. Umalis ka na agad sa room na ito. Baka hindi ako makapagtimpi at mabato kita ng eraser masisira pa ang reputasyon ko bilang isang guro."

"Ma'am aamin na po ako. Kami po talaga ni Skyler ang may gawa noon." pag-amin ng baklang katabi ko.

"Pati ba naman ikaw Daniel? Hala pumunta kayo sa detention ngayon rin"

Kahit naguguluhan ako sinunod ko na lang sya.

-Flashback Ends-

Tahimik lang kami pagkapasok namin rito.

"Hindi ka magsasalita, tanga?"

"Ano namang sasabihin ko?"

"Hindi mo man lang itatanong kung sino ang may gawa nun?"

"Bakit ko naman itatanong?"

"Tanga ka talaga"

"Bakla ka talaga"

"Hindi nga seryoso. Hindi mo itatanong kung sino ang gumawa noon?"

Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

"Alam ko namang ikaw yun. Don't worry wala lang yun sa akin."

"Eh?"

"Natatanga ka na rin katulad ko"

"Hindi no! Never akong magiging tanga"

"Yeah! Kasi bakla ka"

Natahimik kaming dalawa.

"Sorry" saad nya.

"Sincere ka ba dyan?"

"Tanga. Malamang oo."

"Talagang talaga?"

"Oo nga. Hindi naman kasi mataas ang pride ko gaya ni Kylie"

Napatingin ako sa mukha nya ng bangitin nya ang pangalan ni Kylie.

"What do you mean?"

"Ha?"

"Kilala mo si Kylie Tamara?"

"Oo naman. Childhood bestfriend ko yun eh"

"Talaga?"

"Oo. Tapos alam mo? Masungit iyon. Tapos syempre snobber pa okay lang naman kasi maganda sya tapos talented yun nga lang mataas ang pride"

"Paano mo nakilala si Kylie? Paano kayo nagkahiwalay?"

"Neighbor ko sya dati kaso yun nga lang lumipat kami ng bahay kaya ayun nagkahiwalay kami"

"Nagkita na ba kayo ngayon?"

"Oo naman. Sinabihan ko nga sya ng 'I miss you Kylie' pero alam mo ginawa nya? Tinarayan nya lang ako sinungitan. Tapos alam mo yung puso ko? Tumitibok ng mabilis. Then ayun nagsabi ako ng sorry pero gaya nga nung una tinarayan nya lang ako. Mas lalo syang gumaganda kapag nagtataray sya."

"You mean hindi ka bakla?"

"Malamang"

"Akala ko ka--"

"Tanga ka lang talaga"

"Kahit anong mangyari walang magbabago. Bakla ka parin sa paningin ko" at bumelat pa ako sa kanya.

"Tss. Di ka cute. Mukha kang asong gala na maraming garapata" at nagrolled eyes na naman sya.

"Ang hard mo bakla ha! Pero back to the topic. You mean mahal mo si Kylie?"

"Oo naman. Noong una ko syang nakita napangako ko na sa sarili ko na sya lang ang babaeng papakasalan ko"

"Bakla ang corny nakakadiri"

"Tss. Alam mo ba kung bakit ako nainlove sa kanya?"

"Bakit?"

"Kasi mataray sya. Madali akong mafall lalo na kapag mataray ang tao. Pero kay Kylie? Sobrang tinamaan ako"

Napatango naman ako.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon