Skyer Pov
Labasan na rin. Sa wakas. Makakaalis na rin ako room na ito. Kating-kati na ako kanina pang magbell. And yes! Nagbell na nga.
Inayos ko na ang gamit ko tapos lumabas na rin. Habang naglalakad ako bigla silang nagtakbuhan papunta sa gate namin.
Ano bang meron? At puro irit sila? Ah ewan ko sa kanila.
"Skyler nakakain ka ba kaninang lunch?" pagtatanong ni Kylie kasama nya ngayon si Daniel.
"Ah. Hindi eh. Nagtitipid kasi ako"
"La? May lagnat ka ba Skyler? Wala namang bayad dito ang pagkain eh. Bayad na lahat ito kasama sa tuition natin"
"Ah. Ganoon ba? Ah nalimutan ko. Hayaan mo bukas. Sasabay na ako sainyo sa pagkain"
"Talaga? Promise yan ha!"
"Oo naman. Promise"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa may gate.
"Kylie alam mo ba kung anong meron dito?"
"Hindi ko rin alam. Ikaw Daniel alam mo ba?"
"KUYA!" sigaw ni... Miguel?
Yung mukha ngayon ni Daniel napagbagsakan ng langit at lupa.
"Kuya kamusta?"
"Okay lang" prenteng sagot ni Bakla.
"Hi sister-in-law. Ingatan mo yang kuya ko ha" nakangiting saad ni Miguel.
Tapos biglang natilian yung mga nandito.
"Ikaw ba yung iniiritan nila Miguel?" - Kylie.
"Yup. Nagmana kasi ako ng taglay na gwapo kay Kuya"
"Hindi bagay na Kuya ang tawag mo kay Daniel. Pre nalang o kaya Tol. Ang panget nung Kuya" sagot ko.
"Andyan ka pala Baby. Okay bro nalang itatawag ko kay Kuya. Tara na alam kong gutom na gutom ka."
Napasimangot ako.
"Gosh! Sila ni Skyler?"
"Ang swerte ni Skyler. Ang gwapo ng boyfriend nya"
"Maganda rin naman si Skyler ah! Perfect couple"
"Mig- Baby tara na gutom na ako" ngiwi kong saad.
Tatawagin ko sana syang Miguel pero pinandilatan nya ako ng mata.
"Okay Baby. Una na kami sa inyo Bro at Sister-in-law"
Tumango na lang sila.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017