Skyler Pov
Pagkarating namin sa mansyon nila tumambad agad sa amin ang magabong ayos nito.
Ang daming tao. Tapos ang gaganda pa ng gown nila. Mukha tuloy akong maid dito.
"Bestfriend" bati sa akin ni Kylie.
"Bestfriend. Ang ganda mo ha!" puri ko sakanya. Nakagown na kulay blue tapos off shoulder yung gown nya pero yung hubog nya nakita talaga sa lapat ng gown na iyon. Ang sexy nya. Walang-wala ako.
"La? Bestfriend ikaw yung maganda ngayon. Ang sexy mo pala"
"Nak maiwan muna namin kayo ha! Ige-greet lang namin yung mga kabusiness partner namin"
Tumango na lang ako sa kanilang dalawa.
"Bestfriend bakit pala kayo nalate?" pagtatanong nya.
"Eh kasi nahihiya ako. Ayoko nga sanang suotin ito. Mukha kasi akong maid"
"Ang ganda mo sabi eh. Confidence bestfriend" at kumindat sya sa akin.
"Binobola mo ko bestfriend. Nasaan na nga pala si Miguel?"
"Boyfriend mo ba yun?" pagtatanong nya.
"Hindi ko yan sasagutin." natatawa kong saad.
"Mukha kang kinikilig bestfriend"
"Nasaan na nga sya?"
"Ayun oh..." at nginuso nya kung nasaan yung lalaking iyon.
Hindi ko namalayan. Tinawag na pala sya. Ang gwapo nilang magkapatid. Parehas naka tuxedo na kulay black at blue. Ang cute lang nila.
"May girlfriend na ba yung mga anak mo?" pagtatanong nung isa.
Ngumiti si Tita.
"Binata na sila." at nagtawanan kaming lahat.
"Narito ba sila?"
Tumango si Tita tapos lumingon sa tayo namin ni Kylie.
"Bestfriend tayo bang dalawa ang tinutukoy nila?"
"Ikaw lang. Di kami ni Miguel" natatawa kong saad pero sa totoo lang nasasaktan ako. Weeeeeh~
"Sino sa dalawang binibi?"
"Yung nakablue" saad ni Tito.
"Napakagandang dilag. Maaari mo ba syang tawagin at pumunta dyan sa taas?"
Tinulak ko na agad si Kylie bago pa sya makalayo.
"Miguel Garcia welcome to Garcia Family and for Kylie Tamara stay strong sa inyo ni Daniel. Let's cheers"
Itinaas ang wine na hawak namin. Then ininom.
Hays.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017