Epilogue

1.3K 29 2
                                    

Heto na talaga. Ang araw kung saan kailangan ko ng umalis ng bansa. Pagkatapos na pagkatapos rin ng graduation ceremony aalis na rin kami. Buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago. Para rin ito sa aking kapakanan dahil kung patuloy akong mananatili sa lugar na nakikita ko sila, patuloy na masasaktan ako. At mas lalong mahihirapan akong kalimutan tong nararamdaman ko. This is the best option I can have now.

Tumingin ako sa salamin. Nakasuot na ako ng toga ngayon. Excited na ako para mamaya.

"Sky" kumatok sina Daddy at Mommy sa  kwarto ko.

"Hi po" magalang kong saad.

Niyakap lang ako ng mahigpit nilang dalawa.

"Thank you Mommy and Daddy"

"No Sky, don't be. I'm sorry anak" naluluhang wika ni Daddy habang yakap parin ako.

Umiling ako ng makaalis kami sa yakap.

"I'm okay. Don't worry. Ako pa!"

"Tara na?" pagyaya ni Daddy.

Nauna na silang lumabas. Nilingon ko ang kabuuan ng room ko.

Eh?

Nakita ko ang ka-isa-isang papel na nakadikit sa may pader. Lumapit ako at kinuha ito. Inilagay ko sa bulsa ng palda ko. I will give this to him this time.

--

Naglalakad na kami ngayon papunta sa stage para kuhanin ang aming diploma. Sobrang nakakaexcite. Sa loob ng apat na taon na paghihirap at last makukuha ko na ang pinaghirapan ko. My diploma.

Then the last part magsasalita ang valedictorian at salutatotian.

Naglakad na kami parehas ni bestfriend ko. Yes~ hindi kayo maniniwala pero ako ay naging salutatorian. Matalino naman kasi talaga ako maganda pa.

Mas pinili ni bestfriend na magsalita ng una.

"Goodmorning my fellow students. Salamat sa lahat ng mga nakasama ko sa lungkot at saya ng buhay ko. Andito ang bestfriend ko sa aking tabi na naging inspirasyon ko  para mas lalong magtagumpay at syempre hindi mawawala ang aking boyfriend. Baby Daniel I love you thank you sa suporta mo sa kahit na anong gawin ko. Salamat. At sorry rin sa mga taong nasaktan ko ng lubusan. Especially sa bestfriend ko."

Ha? Nasaktan nya ba ako? Kelan? Ang gulo ng babaeng ito.

"Sorry Skyler, yon lang ang kaya kong sabihin sayo ngayon. I'm really sorry."

Tapos nagpatakan ang luha niya. Ano ba tong gagang to kung ano-ano sinasabi nya.

"Kung ano man yon okay lang" buka ng mga bibig ko. Nagsmile sya sakin tapos tinapos nya na ang speech nya.

"I am Kylie Tamara your valedictorian for this school year. Let's fly to our dreams my fellow students."

Lahat nagpalakpakan. Then bumaba na sya ng stage. Ako nalang. Aigoo. Kinakabahan ako. Pero heto na.

"Hello?" pagtatawag ko sa kanilang lahat.

"Hi!" masisigla nilang sagot sa akin.

"Actually kinakabahan po talaga ako ngayon."

Tapos biglang nagtawanan silang lahat.

"Apat na taon. Sa loob ng apat na taon. Andito na ang katas o bunga ng pinaghirapan natin." itinaas ko ang diploma ko.

"Pero syempre sa loob ng apat na taon na yon hindi naging madali ang lahat. Lalo na ng tumungtong ako bilang Fourth Year. Siguro naman kilala nyo kong bitter diba? Lahat ng taong nagbabalak na manligaw sakin hindi nila ginawa kasi takot silang mabusted. Hindi ko rin naman hinangad na magmahal at mahalin kaya wala akong panahon sa salitang 'love' na yan. Pero aaminin ko po sa inyong lahat. Nagmahal po ako" nagpatakan na naman ang mga luha ko.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon