Skyler Pov
Malas ata ako ngayong araw.
Una nadentention ako.
Pangalawa nakakita ako ng pusa.
Pangatlo grounded ako.
"Daddy naman hindi ko naman talaga kasalanan na madikit yung pwet nung guro namin sa blackboard eh. Mommy naman suyuin mo nga si Daddy. Hindi talaga ako ang may gawa noon. Yung kaklase kong tarantado"
"No anak. Grounded ka ng isang linggo"
"Daddy naman eh!" maktol ko.
"Matulog ka na. Alam kong nakakapagod madetention. Bawal kang lumabas ng bahay okay! Sabado bukas kaya dito kalang sa bahay kahit Linggo. Sa weekdays naman diretso agad sa bahay." at umalis na si Daddy sa kwarto ko.
"Mommy hindi ko naman talaga ginawa iyon eh" nakapout kong saad.
"Hayaan mo na ang Daddy mo. Desisyon nya iyon. Wag mo lang susuwayin ang sinabi nya sigurado ako Sabado at Linggo kalang grounded. Kilala mo naman yun eh"
"Yeah whatever! Bye Mommy Goodnight. Say to Daddy I love him" ginulo nya lang ang buhok ko at umalis na rin sa kwarto ko.
Walang phone. =_=
Walang wifi. =_=
Walang laptop. =_=
Paano na 'to?
Naiinis na naman ako. Bwesit talaga sa buhay ko yung baklang yun.
--
Ambagal umikot ng mundo sa araw. Nakakainis. Biruin nyo Tuesday na ngayon. Inip na inip na ako matapos ang week na 'to para mahawakan ko na ang phone ko. Napasabunot ako sa buhok.
"Anong nangyayari sayo? Natatanga ka na naman ba?" pagtatanong ni bakla.
Himala! Ngayon lang sya nagsalita.
Lumapit ako sa kanya at itinuon ang siko ko sa desk nya.
"Alam mo minsan naiinis na ako sayo. Bigla-bigla ka nalang nagiging cold. Tapos bigla-bigla ka nalang rin naman mamansin at minsan mangungulit pa. Ang weird mo bakla"
"Pake mo ba?" mataray nyang pagtatanong.
Inalis ko na ang siko ko sa desk nya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Wala akong pake" malamya kong sagot.
Naiinis talaga ako sa mga taong nagtatanong kung may pake ba ako. Malamang may pake ako. Ah ang gulo.
Nakalabas na ako ng school namin. Umiling nalang ako.
Ayoko na sumunod kay Daddy. Gusto ko maghada ngayon.
Tatakbo akong naglakad patungo sa bus station. Feel ko lang pumunta dito.
Mamumula ako ng mga tao na sasakay sa bus. Oh yes! Isang katangian ko. Pulaera.
Bumili muna ako ng yakult tapos ay umupo sa waiting shed.
Naubos ko na ang yakult ko pero wala paring tao.
Ano ba yan? =_=.
Tatayo na sana ako ng may bumaba sa bus.
Nanlaki yung mata ko ng makita kung anong hitsura yun.
Teka lang. Natatawa ako ngayon.
Isang matabang lalaking may backpack na maliit tapos yung mukha nya nakasimangot.Natatawa tuloy ako. Dagdag pa yung bigote nya. Ano ba 'to? Balyena o Butanding?
Napalingon sa akin yung matabang lalaki.
"Hoy! Ano tinitingin mo dyan? Pinagtatawanan mo ba ako?"
"Ako? Pagtatawanan ka? Hindi no!" pagmamaang-maangan ko.
Baka mapatay pa ako nito. Katakot.
Unti-unti syang lumapit sa akin. Nang makalapit sya. Napalingom ako sa kamao nyang may tattoo. Ghaaad~ adik pa yung napagtripan ko.
Pinanalakihan nya ako ng mata tapos ay ngumiti. Hala? Adik nga talaga 'tonf balyena na 'to.
Nakita kong papalapit sa mukha ko yung kamao nya. Napapikit nalang ako.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10 seconds akong nakapikit.
Pero bakit wala akong naramdamang dumampi sa mukha ko?
Unti-unti kong minulat ang mata ko.
Kaya naman pala ako hindi nadapuan ng kamao nung balyenang lalaki. Hinawakan ng isang lalaki yung kamao nya tapos ay binali.
"Alis" malamig nyang saad.
Lumingon sya sa akin.
"Skyler" ngiti nyang saad.
Sino ba 'tong lalaking 'to?
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017