Skyler Pov
Anong meron at sobrang tahimik ng bahay na 'to.
Pagpasok namin inilapag nya rin yung pusa sa sahig.
"Hindi ka ba nahihirapan sa pusang 'yan? Baka magtae yan ang baho pa naman tapoa dyan lang rin sa tiles tatae edi ikaw pa maglilinis?"
"Bakit naman ako mahihirapan? Favorite ko ang pusa. Sanay na rin akong maglinis ng tae nyan. Kahit mabao tiis amoy dahil gwapo ako"
Umirap nalang ako. Lakas rin ng self-confidence ng hangal na 'to.
Pumasok sya sa kwarto nya samantalang ako naiwan sa living room.
Tiningnan ko yung mga picture nya pero wala akong nakita. Ajo ba yan?
Tv lang tapos table ng puro cd. Lumingon ako sa paligid pero wala rin akong nakita ni isang picture frame na nakasabit. Asan pamilya ng hangal na 'to?
"Meow"
"Tumigil ka ngang pusa ka." inis kong sigaw
"Meow"
"Wag kang lalapit sa akin" pagbabanta ko.
Pero unti-unti syang lumapit sa akin.
Fvck! Sabi na't wag lalapit eh.
Agad akong tumalon sa sofa at kumuha ng unan.
"Subukan mong lumapit."
Pero aba! Wala man lang pake!
"Hindi ako nagbibiro pusa ka! Kakatayin talaga kita"
"Meow"
Konti nalang at mapapalapit na talaga sya sa akin. Agad kong itinaas ang paa ko sa sofa.
"Hindi na. Oo na. Takot na ako sayo. Tama na. Ayoko na. Di na ako nagbibiro. Lumayo ka na sakin please? Utang na loob baka atakihin ako sa puso nito." nakapikit kong saad.
Malapit na akong umiyak. Ayoko talaga sa pusa. Takot ako.
Naramdaman kong walang ng nagma-meow.
Pagmulat ko. Nanlaki ang mga mata kong makitang nasa harapan ko na yung mukha ni Miguel.
"Ano ba Miguel!" reklamo ko at pinalo ko pa sya.
Pero hindi parin sya natinag.
"Hoy! Miguel! Alis!" suway ko sa kanya.
Malapit na talaga yung mukha nya sa akin.
Inilayo nya sa akin pagkatapoa ay binuhat nya na naman yung.pusa nyang itim.
"Hello meets Skyler na tanga"
"Meow" saad nung pusa.
"Bakit Hello pangalan?" pagtatanong ko.
"Kinuha ko sa Hello Kitty."
"Pwede namang Kitty ah!"
"Ayoko. Gusto ko Hello!"
"Andaming magagandang ipangalan tapos yun pa napili mo. Weird ka talaga"
"Tara na sa labas." pag-aayaya nya.
"Teka lang may itatanong ako sayo. Asan magulang mo?"
Gumuhit ang lungkot sa mata nya pagkatapos ay ngumiti ng mapait.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017