Chapter 23: Cheer mo lang ako

805 28 1
                                    

Skyler Pov

Pagpasok ko sa room. Naabutan kong nag-aatendance yung guro namin.

"Skyler Rodriguez"

"Present" nakangiti kong saad at dumiretsong umupo sa upuan ko.

"Late ka na naman Skyler" epal ng isang dakilang epal.

"Alxyziah di ko tinatanong ang opinyon mo" nakangisi kong sagot.

Napahiya na naman sya. Hahaha serves her right.

"Kylie Tamara"

"Ma'am naaksidente po. Pero okay na naman po sya. May bone fracture lang kaya po may saklay sya pero sabi po ng doktor mga one week po ay tatanggalin na rin ang saklay pagkatapos ay makakapaglakad na po sya." mahabang usal ng katabi kong bakla.

"Okay! So class P.E nyo ngayon and guess what? It's basketball time"

Lahat sila humiyaq except sa akin. Anong gagawin ko dyan sa pagbabasketball? Tss.

Nagpalit na lahat ng kami P.E uniform.

"Alam mo Skyler ang pagkakaalam ko bawal yung nakabaston na jogging pants" pagbabanta sa akin ni dakilang epal.

"Tingnan mo nga yung jogging pants mo Alxyziah hindi man binaston pero parang baston sayo kasi naman sobrang laki ng hita at braso mo."

"I hate you Skyler!" inis nyang sigaw tapos nauna na sa gym.

Nagsimula na ang laban and as usual normal lang. Depensa, pandadaya at pagshoshoot ang nangyari. Walang bago. =_=.

Katamad na araw. Labasan na aalis na sana ako ng magsalita si bakla.

"Skyler tara manood ng basketball bukas ha!"

"Sino bang maglalaro?" pagtatanong ko

"Ako. Cheer mo lang ako" nakangiti nyang usal.

Napairap naman ako. Pagkatapos nya akong iwan kagabi. Nasaktan ako promise. The hell Skyler! Anong nasaktan?

"Ah. Titingnan ko"

"Bawal. Oo yun yung sagot mo" at nauna na syang lumabas ng room.

What to do? Ipagchecheer ko raw sya? Ano bang dapat ginagawa kapag ganoon?

Ah! TAMA!

*ring* *ring* *ring*

"Hello?"

[Skyler si Miguel 'to]

"Ah ikaw pala. Paano mo nalaman number ko?"

[Kay Mommy]

"Kapal mo. Kinareer mo talaga ang Mommy thingy na yan"

[Hahaha anyway kaya ako tumawag para sana yayain ka bukas]

"Bakit ano bang meron"

[May laban ako bukas]

"Anong laban?"

[Soccer]

"Sorry pero may nauna ng nagyaya sa akin eh. Meron pa ba sa susunod na bukas?"

Rinig kong nagbuntong-hininga sya.

[Okay lang. Ah oo meron pa naman. Aantayan kita ah!]

"Oo nama  promise. Susurprise kita. Bye na ingat ka. God bless sa laro mo bukas."

[Sige. Bye ingat ka rin bukas.]

Bago ako matulog tinapos ko muna ang ginagawa ko para sa basketball bukas. Sana magustuhan 'to ni Daniel.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon