Chapter 55: Begging

745 25 0
                                    

Skyler Pov

Tatakbo akong lumabas ng mall na yun. Wala na akong pake kung may mabangga akong tao. Ang sakin lang? Gusto ko lang tumago. Gusto ko lang makaalis sa lugar na 'to. Gusto ko lang makatakas sa sakit na nararamdaman ko.

Nakarating ako sa tree house noong mga bata pa kami.

"Kung hindi mo sana ako tinawag. Kung hindi mo sana ako sinabihan ng maganda ako. Hindi sana 'to mangyayari. Kung hindi mo lang ako pinapansin. Kung hinayaan mo lang akong umiiyak habang naglalaro mag-isa. Hindi sana ako nasasaktan ng ganto. Kung hindi ka sana naging masungit. Kung hindi ka sana naging katabi ko. Kung hindi ka sana makulit. Kung hindi ka sana pafall. Hindi ako maiinlove sayo. Kung sana sinabi mo na ng matagal na hindi na mangyayari yung pinangako ko sa sarili ko edi sana hindi ako umiiyak ngayon. Bakit ba kasi ang daya mo? Bakit ba kasi ako nainlove sa taong mahal yu g bestfriend ko? Bakit kasi to nangyayari sa kin? Buong buhay ko Niel. Never akong naniwala sa pesteng love na yan. Never akong naniwalang may magmamahal sa akin. Pero heto ka. Lumapit sa akin at sinabihan ako ng maganda pagkatapos ako naman tong si tanga nagkaroon ng confidence. Confidence na may magmamahal rin sa akin. Kaso anong nangyari? Nawala ka. Hindi mo ko binalikan. Tapos ito na naman ako. Binabalikan ang nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan natapos rin ang lahat. Niel hindi mo alam na nasasaktan rin ako. Nasasaktan rin yung Kyle na kilala mo. Nasasaktan rin yung batang bulol sa S at R. Nasasaktan na ngayom yung batang babaeng iyakin noon iyakin parin hanggang ngayon. Niel please naman. Huwag ka ng bumalik sa buhay ko. Masaya na akong wala ka. Nakayanan ko ang lahat. Nalagpasan ko ang lahat kahit wala ka. Kahit nangungulila ako sayo noong bata ako. Kahit na nagkakasakit ako araw-araw basta makadalaw rito ay aantayan ka kasi baka bumalik ka... Niel please lang? Sobra ng sakit nito. Sobra na akong nahihirapan. Lumayo ka na please? Hirap na hirap na ako. Sobra ng pagpapanggap yung ginagawa ko. Niel tao lang rin ako. Nasasaktan pero higit sa lahat nagmamahal ng isang katulad mo"

--
A/n: Ang corny ko. Pwe. Hahahaha kamsaranghae sa nagbabasa nito.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon