Chapter 2: TANGA

2.5K 76 3
                                    

Skyler Pov

Pagpasok ko sa room pinagtinginan agad ako ng mga kaklase ko. Ha?

"Ms. Rodriguez why are you late?"

Napairap naman ako. Bwesit talaga 'tong matandang dalagang ito. Parating menopause.

"Natanghali po ako ng gising" nakangisi kong sagot.

"Hoy! Skyler Last year mo na sa school na 'to pero ganoon pa rin ang dahilan mo. Lagi ka paring late. Aba Skyler baka nakakalimutan mong graduating ka!."

Ano bang mapapala ko kapag naging maaga ang gising ko at maaga ang pasok ko? May maganda bang mangyayari? Diba wala?

Napatango nalang ako at naglakad patungo sa upuan ko pero habang naglalakad ako may nagpipigil ng tawa.

Tumingin ako sa kanya at binatukan sya.

"Mamamatay ka na kakatawa" singhal ko kay Alxyziah.

Sino sya? Isa lang syang epal na bully sa mga mahihina pero binubully ko rin sya. Hahaha. Bait ko diba?

Sumalampak na ako sa upuan ko.

Napatingin ako sa lalaking nagpapakilala ngayon.

"Daniel Garcia" bored nyang saad.

Tss. Sya yung lalaking sinabihan ako ng tanga.

"Maaari ka ng umupo sa bakanteng upuan dyan" saad ni Ma'am.

Napansin kong yung katabi kong upuan lang ang bakante.

Uupo na sana sya pero nagsalita agad ako.

"Uupo ka?"

"Obvious ba?"

"Sabi ko nga uupo ka." ngiting aso kong saad.

"Tanga" bulong nya pagkaupo nya pero rinig ko.

"Bakla" bulong ko rin pero sapat para marinig nya.

Tumingin sya sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Ang ganda ko diba?" pagtatanong ko.

"Tanga" at nagrolled eyes na naman sya.

Aba't nakakailan na 'tong baklang 'to ah!

"Bakla" saad ko.

Lumingon na naman sya sa akin.

"Oh ano na naman? Maganda ako? I know that" at kumindat pa ako.

"Tanga ka talaga" at lumingon na sya sa blackboard.

Tss.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon