Skyler Pov
"Gutom na ako." pag-iiba ko ng topic. Tapos tumalikod na pero hinila nya ang braso ko tapos napaharap ako sa kanya.
"Nagkita na ba tayo dati? Mukha kang familiar sa akin"
"Ha? Hindi no. Marami lang talaga ang kamukha ko"
"Hindi eh. Parang nagkita na tayo dati?"
"Ewan ko. Gutom na ako bitaw"
Binitawan nya ang braso ko tapos kumain na ako. Pagkatapos ay uminom ng gamot.
"Tanga iba na ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na. Pwede ka ng umalis *cough*"
"Okay lang talaga sayo?"
"Oo malakas na ako oh. Kaya ko na ang sarili ko"
"Sige alis na ako. Ingat ka ha! Tawagan mo ko kapag may kailangan ka." ginulo nya ang buhok ko.
Shit! Nahihilo ako sa ginawa nya. Nawala na rin naman sya agad.
Humiga nalang ako sa kama ko tapos nagtalukbong ng kumot.
Nagising akong sobrang lamig. Patay naman ang aircon ah!
Tumayo ako tapos kumuha ng jacket at medyas. Sobrang lamig talaga. Yung katawan ko parang bangkay na sa lamig.
Gutom na rin ako. Bumaba ako para maghanap sa kusina ng pagkain. Nagulat ako ng makitang nanood ng tv si Daniel.
"Bakit ka na naman nandito?"
"Oh! Gising ka na pala"
"Hindi ka ba umalis?"
"Paano kung sinabi kong oo. May maggagawa ka ba?"
"Daniel please lang wag mo na akong pahirapin pa. Nasasaktan na ako. Nahihirapan na ako. Nagpapanggap kang may care ka talaga sa akin pero sa totoo lang wala naman. Daniel utang na loob. Tama na. Umalis ka na sa bahay namin."
"Ayoko. At anong nasasaktan? Mukha ba akong kutsilyo kaya ka nasasaktan? Anong nahihirapan? Kaya nga ako nandito eh para alagaan ka. Oh uulitin ko. Para alagaan ka"
"Umalis ka na. Di kita kailangan. Nasaan yung kapatid mo?"
"Si miguel? Baka nambababae"
"Ah. Okay" nilagpasan ko sya tapos kumuha na ng makakain sa kusina.
"Anong ah okay? Yun lang? Ang swerte naman sayo ng kapayid ko. Ang swerte naman ng boyfriend mo. Hindi ka selosa"
"May dapat ba akong ipagselos?"
"Nambababae sya eh"
"Oh ano naman doon? Kahit makaipagsex pa sya doon wala akong pake"
"Talaga? Mahal mo ba ang kapatid ko?"
"Mahal ko bilang isang kuya"
"Kayo tapos kuya lang tingin mo. Pinapaasa mo kapatid ko eh"
"Ayoko mag-explain sayo"
"Bat ba ang sungit mo?"
"Kasi may sakit ako"
"Pero mas gusto ko yung walang sakit na Tanga. Mas feel ko sya. Mas gusto ko yun kesa ngayon"
Natigilan ako sa pagkain sa sinabi nya.
"Anong nangyari? Bat ka napatigil sa pagkain?"
"Mas gusto mo yung Tanga na makulit at bubbly? Pero sorry hindi na sya babalik. Pagod na raw syang masaktan ng sobra. Pagod na raw syang magpanggap"
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017