Chapter 48: Duwag

795 27 1
                                    

Skyler Pov

"Alam mo napagkamalan nila tayong magcouple. Ang sweet lang natin sa Baby-endearment natin."

Kanina pa dadak ng dadak ng ganyang si Miguel. Nakakairita.

"Hindi ka ba nandidiri?"

"Anong nakakadiri doon? Kinikilig pa ako"

"Ewan ko sayo. Ubusin na nga lang natin yung pagkain"

"Subuan kita Baby"

"Utang na loob Mi--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi pinalsakan nya agad yung bunganga ko ng kwek kwek.

"Baby masarap diba"

Umirap ako sa kanya at nagpatuloy nalang sa pagkain ng kwek kwek.

"Oh andito rin pala kayo Skyler"

"Kylie! Bakit kayo nandito? Sinusundan nyo siguro ako no? Dejoke lang. Sige kain kayo. Uwi na tayo."

"Agad-agad? Wala pang 10 minutes yung pagkain natin dito. Baby naman"

"Baka hinahanap na ako ng Mommy. Tara na"

"Pero Baby diba napag-usapan yan ni Mommy na pwede kang malate ng-- Ouch!"

Tinapakan ko yung paa nya. Anh daldal.

"Baby diba ihahatid mo na ako?"

"Okay baby. Tara na"

"Sige una na kami sa inyo Kylie at Daniel"

Naglakad na kami papalayo sa kanila.

"Skyler paano ka magmomove-on kung lalayo ka?"

"Umiiwas lang ako wag kang ano dyan"

"Skyler naman. Pwede bang harapin natin?"

"Hindi ko kaya"

"Kaya mo andito ako"

"Ayoko"

"Hirap sayo. Ayaw ka ng ayaw. Takot ka kasi"

"Hindi ako takot Miguel. Duwag ako."

"Ano pinagkaiba nun?"

"Yung takot. Kahit natatakot sya tinry nya pa rin samantalang yung ako na duwag? Never akong nagtry na gawin ang bagay na alam kong sasaya ako."

"Skyler para sa akin please lang?"

Niyakap ko lang si Miguel.

"Hayaan mo. Paninindigan ko yung pagiging duwag ko. Never kong itatry na umamin sa kanya na mahal ko sya. Never akong magtatry na itanong sa kanya kung mahal nya rin ba ako. Kung mutual ba yung feelings namin. Hayaan mo na Miguel yung kapatid mo. Ikaw na nga yung nagsabi diba? Kapag masaya na bakit pa guguluhin? Kaya ito ako. Alam kong masaya na sya bakit ko pa guguluhin?"

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon