Skyler Pov
"Ako? Hindi ako naniniwala sa love. Bitter ang pagkakakilala sa akin."
"Bakit naman?"
"I hate sweet. Ayoko sa mga corny. Ayoko sa love. Ayoko sa lahat ng may sweet. Kilala nga akong bitter sa amin eh. Sabi pa nila tatandang dalaga raw ako."
"Eh?"
"Oo nga tapos ang lagi kong sinasagot aalagaan ko na lang ang Mommy at Daddy ko pagtanda nila. Weird diba? Pero ganoon ako eh. Ayoko sa love. Hindi ako naniniwala dyan. Sa totoo lang never nga ako kinilig"
"Eh"
"Oo nga. Tapos lumaki pa ako ng ang mga kasama ko ay mga pinsan kong lalaki. Maghahanap ng butogs, mag tetext at pogs tsaka magjojollin. Hahaha natatawa nga ako kapag ako ng magbibintol kasi hindi raw masakit"
"Talaga? Marunong ka magjollin? Pero marunong ka magbasketball?"
"Hindi no! Hindi ko nga kayang magdribble ng bola eh. Anyway tapos ayun naiinggit nga ako kapag nanonood yung mga pinsan kong babae ng movie tapos kikiligin sila. Samantalang ako hindi kinikilig. Minsan nga I wonder anong feeling ng kiligin. Anong feeling ng kapag hinahampas mo yung katabi mo. Maiibsan mo yung kilig mo?"
"Ang weird mo pala"
"Sinabi mo pa. Ikaw naman magkwento ka"
"Ano namang ikukwento ko?"
"Tungkol sa buhay o lovelife mo. Kahit ano basta may sense"
"Wala akong maisip"
"Edi wag ka na magkwento." tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Hindi mo ako pipilitin?"
"Bakit ko naman gagawin yun? Ganoon akong tao. Hindi ako namimilit. Kung ayaw edi ayaw"
"Fine. Oo na magkukwento na ako. May kakambal ako pero hindi ko kamukha. Mahal sya ng Mommy at Daddy ko. Buong buhay ko sya ang bukang bibig nito."
"Nasaan na ba yung kakambal mo?"
"Hindi ko alam. Hindi ko pa nga nakikita mukha noon eh"
"Eh paano mo nalamang hindi kayo magkamukha?"
"Sabi lang ni Mommy. Naiinis nga ako eh. Hindi nila nakikota yung effort at best na ginagawa ko. Lagi nilang iniisip kung nasa magandang kalagayan ba yung kakambal ko"
"May tanong ako. Galit ka ba sa kakambal mo?"
"Hindi no! Never. Lagi ko ngang hinihiling na sana makita ko na sya. Baka sakaling may kakampi naman ako sa buhay ko. Sana nga talaga makita ko sya. Minsan pa nga naiisip ko sana ako nalang ang pinaampon kahit mahirap yung bagsakan ko okay lang kesa naman sa buhay ko ngayon. Mayaman nga kaso hindi naman ako nila napapansin"
"Eh bakit ba pinaampon yung kakambal mo?"
"Mahirap kami dati. Kaya sya yung pinaampon. Hindi na nila malaman kung nasaan yung kakambal ko kasi nawalan sila ng koneksyon doon sa lugar na pinaampunan nila. Sana talaga mahanap ko sya"
"Oo naman mahahanap mo yan. Kasama mo ako kapag maghahanap ka. Magkasabay tayong magbibigay ng picture o kung ano pa man yan mahanap lang yung kakambal mo. Sayang lang may balak rin ako kay Kylie eh"
"Ano naman yun?"
"Bibigyan ko sya ng ticket papuntang Japan o kaya kahit saan basta mahanap nya ang Daddy nya. Gagawan ko pa sila ng lugar kung saan doon sila magbobonding. Sayang lang hindi na ata iyung matutupad"
"Bakit naman?"
"Hindi na kami magkakaayos"
"Siguro pero ang swerte sayo ni Kylie"
"No! Ako ang swerte sa kanya."
"Alam mo ang cute mo. Crush na kita"
Ha? Ano raw crush nya ako? Hahaha
"Ako crush mo? Gago" utas ako pagtawa ng magsalita na naman sya.
"Oo nga. Seryoso ako. Crush kita"
"Oo na seryoso ka na. Edi crush mo ako baka mamaya stalker narin kita. Sabi ko naman kasi sayo eh maganda ako pero sorry! Hindi ako naniniwala sa love" kumindat pa ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017