Chapter 40: Late

790 24 1
                                    

Skyler Pov

Maaga akong nagising. First time 'to. Gusto ko kasing makita kung anong magiging resulta ng pag-amin ni Daniel ngayon.

Oo na ba si Kylie? O ganoon parin katulad ng dati na tatawa at aakalaing joke ang lahat.

"Anak ang aga mo naman nagising" 

"Opo Daddy. May exam po kasi kami sa lahat ng subject kailangan ko pong mag-aral"

"Oh sige nak. Kumain ka na dyan. Gusto mo ba hatid kita?"

"Okay lang sayo Daddy na ihatid ako ngayon?"

"Oo naman. Babawi ako sa pangalawang babae sa buhay ko. Lagi na kasi akong busy sa work eh. Next time bonding tayo ha! Mukhang nagdadalaga ka na"

Ngumiti nalang ako kay Daddy. Alam kong may laman ang mga sinabi nya. Siguro nararamdaman nyang malungkot ako.

"Ano yang pinag-uusapan nyo? Bakit hindi ko yan alam ha?"

"Mommy walang lang po yun."

"Talaga lang ha?"

"Bawal po nyong malaman Mommy. Sekreto at usapan lang iyon ng isang mag-ama. Diba daddy?"

Tumango si Daddy sa akin.

"Kayo talagang mag-ama kayo. Oo na hindi ko na kayo kukulitin. Basta ha! Mag-aral ng mabuti anak"

"Oo naman po Mommy. Nga pala nagkita na po ba kayo nina Tito Niel?"

"Ah hindi pa nak. Mamaya nga pala iyon. Pagkatapos nyong mag-exam na dalawa diretso na sa restaurant natin ha! Doon raw tayo magrereunion."

"Ah! Mommy pwedeng hindi na kami sabay ni Daniel?"

"Bakit naman? Sasakay ka nasa kanyang kotse. Wag na magbyahe"

"Pero susundin po ako ni Daddy. Diba Daddy?"

Kumindat pa ako kay Daddy.

"Oo susunduin ko yan"

"Pero paano naman ako?" pagmamakaawa ni Mommy.

"Magpahatid ka nalang sa driver Mommy. Hayaan mo na kami magbonding ni Daddy"

Pagkatapos kong kainin ang pagkain ko. Inaya ko na rin si Daddy na ihatid ako.

"Nak magseatbelt ka"

Napatango ako.

"Ano ng nangyayari sa dalaga kong anak?" may halong biro sya ng itanong iyon.

"Daddy. Kahit anong mangyari sa tabi ko lang kayo ha. Kapag kailangan ko ng iiyakan diyan lang kayo ha. Kung kailangan ko ng masasandalan manatili lang kayong katabi ko." nakangiti kong saad.

Ginulo lang ni Daddy ang buhok ko.

"Daddy naman nagdadrive ka eh"

Natatawa lang si Daddy. Nakarating kami sa school. Bumaba na rin agad ako.

"Daddy ngayong araw. Aantayan ko kayo. Yung mga sinabi ko. Mamaya kailangan ko nun. Kailangan ko ng masasandalan at maiiyakan mamaya Daddy"

"Anak..." may gusto pa sanang sabihin sa akin si Daddy pero tumango na lang sya at ngumiti sa akin.

Nagwave ako sayo hanggang hindi ko na makita ang kotse nya.

Sigh. Nakakabagot na araw.

Tatakbo akong pumunta sa garden.

La? Late na ba ako?

"Kylie matagal na kitang mahal. Please naman oh. Totoo na 'to. Hindi ito joke. Wag kang tatawa. Hindi ako nagbibiro. Simula palang alam ko ng ikaw ang mahal ko. Kylie Tamara will you be my girlfriend?"

Sayang! Hindi ko pa nakita o narinig na kumanta si Daniel. I'm pretty sure maganda ang boses nya.

"Oo na. Akala ko kasi nagbibiro kalang lagi eh. Sorry na kung lagi akong tumatawa kapag nagcoconfess ka akala ko kasi hindi ka seryoso kasi naman ang lakas ng topak mo. Tarantado ka eh. Pero mahal kita. So yes" nakangiti si Kylie ng sabihin iyon.

Late nga talaga ako.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon