Skyler Pov
Maaga akong nagising. Hindi dahil sa natauhan akong kailangang maging maaga ang gising kundi dahil sa gagawin ko.
Gagawa ulit ako ng banner pero syempre hindi na para kay bakla para kay hangal na. Hahaha dejoke lang. Para kay Miguel. Kasi diba nangako ako na manonood ako ng soccer nya ngayon.Tanghali na ng matapos ako sa paggagawa nung banner.
"Mommy, Daddy aabsent po ako ngayon"
"Bakit naman nak? May masakit ba sayo? Nilalagnat ka ba? Umatake na naman ba yung allergy mo? May nakasalubong ka bang pusa?"
"Stop it Daddy. Okay lang po ako. Pupunta lang po ako sa school nina Miguel kasi ininvite nya akong manood ng soccer na mismong sya ang maglalaro."
"Ganoon ba anak? O sige basta ingat ka ha!"
"Galingan mo ang pagchecheer sa kanya nak"
Tumango nalang ako pagkatapos ay sabay na kaming kumaing tatlo.
--
This is it! Sana naman hindi ako mapahiya. Sana naman hindi na masayang yung effort ko.
"Manong Guard" nakangiti kong bati.
Tumango lang sya tapos ay pinapasok na ako sa loob.
Ganoon rin naman ang laki ng school namin sa school nila eh.
Nahirapan pa akong hanapin yung field nila. Kasi naman akala ko doon sa may ground yun pala may iba pang field.
Nang makarating ako medyo kalagitnaan na. Okay kaya mo 'to Skyler.
Humilira ako sa mga may nakataas na banner rin.
Ibinuka ko rin yung banner na gawa ko.
Oh ha! Talo kayo! Kasi yung akin may effort na ginawa pero yung sa kanila wala. As in nagpaggawa sila ng banner. Ghaaad~ so effortless.
Nakalagay aa banner na gawa ko:
GO MIGUEL! GO MIGS! GALINGAN MO HA!
Love: SKYLER NA MAGANDATapos ayun maraming picture nya tapos syempre meron rin ako. Hahaha.
"Go Miguel Baby~"
"Kaya mo yan Miguel ko~"
"Ingat sa pagtakbo Miguel papakasalan mo pa ako diba?~"
Malalakas na sigaw ng fans nya. Bakit parang walang pumapansin sa akin? Waaah~ epic failed na naman ba? Wag naman.
Nagbreak muna sila. Ewan ko ba kay Miguel at papalapit sya rito. Palapit sa pwesto ko. Assuming naman ako. Syempre illusyon ko lang yun.
"Skyler ko~ Ang sweet ng girlfriend ko~" bulong nya sa akin tapos inilahad nya yung towel sa akin.
Siniko ko nga sya.
"Loko ka talaga Migs. Tumalikod ka na nga"
Tumalikod naman sya agad tapos ayun pinunasan ko yung likod nya. Pero alam nyo yung feeling na kahit hindi mo nakikita pero ramdam mong may nakatingin sayo. May nakamasid ba. Para ngang papatayin ako sa tingin nya.
At sino pa ba? Syempre yung mga famgirls ni Migs.
"Migs nakakahiya ka. Mapapatay pa ata ako ng mga fg m-"
"Ang ganda ng gawa mo. Effort ah! Mamaya pagkatapos nito tara sa bahay ididikit ko sa dingding ng bahay. Remembrance. First time kong makatanggap ng gift or ano man yan na galing sa mahal ko"
"Ang corny mo na naman Migs. Punta ka nga roon. Magsisimula na ulit oh" at inihagis ko ang towel sa mukha nya.
Ngumiti lang sya tapos tatakbo na uling pumunta sa field.
"Ang harot ng isa dito. Akala mo naman kung sino syang maganda. Wala nga sya sa kalingkingan ko eh" rinig kong may nagpaparinig sa may likuran ko.
At alam kong ako yun. Hindi ako assuming sadyang malakas ang pandama ko sa mga bagay na yan.
Kahit patuloy sila sa pagpupula sa akin hindi ko sila pinansin. Natapos na rin naman yung laro and ayun nanalo sina Migs. 3-1 ang score.
Tatakbo na naman si Migs papunta rito.
"Hoy! Migs tumigil ka nga sa kakatakbo."
"Bakit?" pagpapacute nya sa akin. Pwe. Nakakadiri 'tong hangal na 'to.
"Wala" pag-iirap ko.
"Concern ka sakin?" pagtatanong nya na alam mong may halong pagpapacute rin. Kapal naman ng apog ng hangal na 'to.
"Malamang. Ikaw pa.... Ah... Eh..E..di ba tinulungan mo ako doon sa ba-balyena." pagpapalusot ko.
"Bakit ka nauutal? Hahahaha ang cute mo sumegway. Alam ko namang concern ka sa akin eh"
"Kapal ng apog mo talaga Migs." at siniko ko na naman sya sa may tiyan nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017