Skyler Pov
Nagbuntong hininga ako bago pumasok sa eskwelahan.
Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Ah ewan ko! Oh baka naman magkakameron ako ngayon?
"Skyler Rodriguez ilang beses ko bang sasabihing agahan mo ang gising mo?"
"Nakakatamad maam" may pagkamot pa ako sa ulo ko.
"Isang-isa pa talaga Skyler ipapadetention ulit kita"
"It's my pleasure maam" bored kong saad.
Once na sinagot ko na ang guro. Isa lang ibig sabihin nun. Wala ako sa mood. Hanggang uwian na 'to. Ah basta wala ako sa mood.
Nagtawanan lahat ng mga kaklase ko.
"Mga hunghang na katulad nyo magsitahimik nga kayo. Nakikiusap na ako bumabaho ang kapaligiran"
Natahimik naman silang lahat.
"Galit ka na nyan?" pag-eepal na naman ni Alxyziah.
"Sa tingin mo?"
"Hindi"
"Napakakitid ng utak mo. Walang laman. Puro katangahan lang ang pumapasok sa utak mo. Physical appearance mo pa lang pumasa ka na sa hipon of the year."
Napa-boo naman lahat.
"Mga walang utak. Sinabi ng wag maingay eh. Nagtotoothbrush ba kayo? Masyadong mabaho. Utang na loob."
"Skyler umupo ka na" suway sa amin ni Ma'am.
Tinungo ko nalang ang upuan ko.
"Galit ka na talaga?" pagtatanong ni bakla pagkaupo ko."Pake mo ba?" inis kong saad.
"Wala"
"Oh wala naman pala eh" bored kong saad.
Tumahimik naman sya at nakinig nalang sa guro.
Nagbell na agad. It means. Recess na.
"Hoy! Skyler ang kapal talaga ng mukha mo hindi ka na nahiya sinagot mo pa yung guro natin"
"Hindi ko tinatanong opinyon mo"
"Skyler na tanga" pagtatawag ni Alyxziah.
Di ko sya pinansin at dumiretso nalang palabas ng room.
Kumain ako ng mag-isa at kumain muli ako ng lunch ng mag-isa. Ganyan ang buhay ko kapag wala si Kylie. Kahit pa narito sya kapag ganto ang mood ko hinahayaan nya ako. And I hate it! Ayoko ng ganun. Gusto ko kilalanin nya ako at tanggapin sa kuna ano ako hindi ang intindihin ako. I want to acknowledge me not to understand me.
Time na ng science. At wala parin ako sa mood.
Nagbell narin sa wakas. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room.
Habang naglalakad ako napatigil ako dahil nakita ko si Kylie masayang nakikipagtawanan sa kababaihang ngayon ko lang nakita.
"Skyler" malamig nyang saad.
"Oh?" malamig ko ring tugon.
"Ipapakilala ko pala sayo yung mga bago kong kaibigan. Si--"
"Yun lang? Wala ng iba pa?" pagtatanong ko.
"Sana maging close mo rin sila"
"Wala na talagang iba pa?"
"Wala na"
"I'm out of it Kylie." malamig kong saad at naglakad na.
I hate it! Ayoko sa ugali ni Kylie. Gusto ko syang sumbatan pero wala akong lakas ng loob. Gusto kong itanong lahat-lahat pero nanghihina agad ako. Marami akong gustong linawin sa pagitan namin pero hindi ko alam kung magiging okay pa.
"Tanga! May balita ako sayo" at sumabay pa sa paglalakad si bakla.
"Go on" at may pagtango pa ako.
"Nalaman kong hahayaan ka muna ni Kylie. I mean is hahayaan ka muna nyang ganyan. Hahayaan nya munang ganto kayo ngayon. Parang bibigyan ng space ganun"
Napatigil ako sa paglalakad sabay ng pagbagsak ng balikat ko.
"Bakit may relasyon ba kami? Para magkaspace o cool off. Tsaka dapat sinakto nya ng wala syang pake sa akin at wala na akong bestfriend mas masaya pa yung marinig kesa ngayon na hahayaan nya ako. You know what? I hate Kylie so much but I can't fight her. Because my heart always telling me that she's the best gift of God. I hate myself so much. And you really know why I hate myseld now? Because my heart say now tell Daniel to take care and keep her smile always. Nakakatawang isiping. Niloloko nya ako o pinaplastik pero yung puso ko inaalala parin sya. Ingatan mo yung bestfriend ko. Mahal ko yun higit pa sa akin. Sana maging kayo. Mas mapapanatag ang loob ko kung ikaw ang magiging first boyfriend nya. Una na ako sayo" saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔
Teen FictionWhen Ms. Tanga meets Mr. Bakla what would be the outcome? Good or worst? Tanga plus Bakla equals what? Riot or Love? Inspired by: Crushie Ice Joshua Started: Nov. 5, 2016 Completed: May 26, 2017