Chapter 21: Takot kang masaktan.

858 24 0
                                    

Skyler Pov

"Hindi joke lang! Okay lang na huwag mong sagutin."

"Hindi okay lang. Sasagutin ko yung tanong mo. Asan yung mga magulang ko? Hindi ko alam. Di ko pa nga sila nakikita eh. Baby palang ako lumaki na ako sa bahay ampunan. 10 years akong nasa ampunan. Tapos ayun may umampon sa akin kaso masasama sila. Lagi nila akong sinasaktan. Binubugbog. Minsan hindi pa nila ako pinapakain sa isang araw tapos ay ikukulong pa ako. Sinubukan kong tumakas. Isang araw nakapagdesisyon na akong umalis sa bahay na iyon. Pero nahuli nila ako. Mas lalo nila akong pinahirapan. Dalawang taon kong tiniis lahat iyon. Buti nalang may dumating na bisita sa bahay. Pinilit kong maabot yung susi na itinatago nila malapit sa may pintuan. Kahit dumudugo na yung kamay ko maabot lang yung susi ginawa ko. Then yun nakatakas naman ako. Nabuhay ako mag-isa. Nakapundar pa ako ng bahay at mga sasakyan." matapos nyang ikwento lahat iyon tumalikod sya tapos patagong pinunasan ang mga luha nya.

"Hoy! Miguel! Okay ka lang? Kaya pa?" pagbibiro ko.

Humarap sya sa akin tapos ginulo yung buhok ko.

"Ikaw kasi eh. Pinaiyak mo ako"

"Para naman may alam ako sayo.pero pwede pang magtanong?"

"Masyado ka namang demanding Skyler eh. Dejoke lang. Hahaha go lang tutal kapag kinasal naman tayo kailangan mo nga silang makilala" bulong lang yung sa huli nyang sinabi pero rinig ko.

Siniko ko agad sya.

"Seryosong tanong. Galit ka ba sa magulang mo?"

"Of course not. Bakit naman ako magagalit? Kaya nga ako naging mayaman para hanapin ang mga magulang ko. Kasi diba common na yung dahilang kaya ka pinaampon ay dahil sa kahirapan ng buhay. Ginawa ko ang bahay na yun para doon na kami mamuhay."

"Pero paano kapag nalaman mong masaya na sila? Tapos may kapatid ka pa?"

"Kung may kapatid ako. Edi syempre matutuwa ako. Pero kung masaya nila bakit ko pa guguluhin? Para lang yung pagmamahal ko sayo. Once na makita na kitang masaya sa iba hindi na kita guguluhin"

"Hindi naman ako naniniwala sa love eh"

"Edi ako ang pagiging tulay mo para maniwala ka sa love"

"Ayoko"

"Yun yung dahilan. Takot kang masaktan kaya ayaw mong maniwala sa love"

"Ang weird nga eh. Sabi ko sa sarili ko bakit kapag nagbreak ang maggf at bf talagang iiyak. Minsan nagcocommit pa ng suicide. Ganoon ba kasakit magmahal? Para namang ang OA"

"OA man kung OA pero ganoon rin ang mangyayari sayo. Kasi yung puso mo yung nakataya. Yun yung nakasugal sa larong sinabi nilang Love."

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon