Chapter 7: Isang Paanyaya

3.9K 100 26
                                    


[Terenz]

'Sino nga kaya s'ya? Sino ba talaga si Ms.LonelyGirl? Bakit ba ganito kalaki ang epekto ng libro n'ya sa akin? Saan kaya s'ya nakatira? Nagustuhan n'ya kaya ang mga bulaklak na ipinapadala ko? Kailan ko kaya s'ya makikilala? Makikilala ko pa kaya s'ya? Sino ba talaga s'ya?'

Iyan ang mga tanong na naglalaro sa isip ko.Mga tanong na noon pa nagpapabalik-balik sa isip ko.Mga tanong na masasagot lamang kapag nagkita na kami ni Ms.LonelyGirl.

Dalawang linggo na rin akong nagpapadala ng bulaklak sa kan'ya.Pero hindi ko alam kung nagugustuhan n'ya ba.

'Hay.Kailan ko ba s'ya makikilala?' tanong ko sa isip ko at napabuga na lang ako ng hangin.

Nandito kasi ako ngayon sa loob ng opisina ko dito sa kwarto ko.

Nakaupo lang ako sa office chair nakasandal at pinaglalaruan sa aking mga daliri ang isang fountain pen.

It's 11 pm now but I'm still awake.Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.

Siguro ay marahil sa iniisip ko ang babaeng iyon.Sino ba s'ya at ganito kalaki ang epekto n'ya sa akin?

Natigil ang pagmumunimuni ko nang biglang dumating ang personal butler ko na si Edward.

"Anong kailangan mo?"Agad kong tanong.

"Master Renz.Nandito po ako upang ipaabot sa inyo ang isang imbitasyon."saad nito at inabot sa akin ang isang card na wari ko'y invitation card.

Pagkatanggap ko nito ay nagbow na s'ya at deretsong lumabas.Kaya naman ay naiwan ulit ako dito sa loob ng opisina ko na mag-isa.

Binitawan ko muna ang fountain pen na kanina ko pang pinaglalaruan at saka ko tiningnan ang invitation.

Binuksan ko ito at napangiti ako sa nabasa ko.Isang paanyaya na hindi ko inaasahan.

Celebration for the Succes of the book of Ms.LonelyGirl

Venue: Ezcazee Hotel
Date:******
Outfit: Pormal

Iyan ang nakalagay sa invitation tapos ay may nakita akong card na nakaipit dito at handwriting ang pagkakasulat.

Dear Mr.Ezcadler,
Dalawang linggo mo na rin akong pinadadalhan ng flowers.Hindi ko alam kung anong dahilan at binibigyan mo ako ng bulaklak.Pero sa totoo lang napapangiti mo ako.So I thought its much better kung makikilala na natin ng isa't isa.Kaya naman gusto sana kitang imbitahan sa magaganap na party sa Ezcazee Hotel para sa success ng libro ko.Sana'y makapunta ka.
From: Ms.LonelyGirl

"Whoo! Yes! Yes! This is it! Whoo!"

Sa sobrang saya ko sa nabasa ko ay napatayo agad ako at napatalon sa sobrang saya.

Finally magkakakilala na kami.Ito na ang araw na hinihintay ko.Sa wakas mangyayari na rin.

Sa sobrang saya ko ang tagal pa bago ako nakatulog.Masyado kasi akong excited.

***

Maagap akong nagising ngayon.Masaya kasi ang umaga ko.Paano ba naman kasi mamayang gabi na ang party.Ilang oras na lang ay makikilala ko na si Ms.LonelyGirl.

"Good Morning!"Masaya kong bati sa mga maid na abala sa paglilinis dito sa sala.

Napatigil naman sila sa ginagawa at napatingin sa akin.Nakatayo kasi ako dito sa panglimang step ng hagdan sa may ibaba.

At mukhang nagulat sila sa presensya ko at sa bigla kong pagbati.Madalas kasi ay sila ang unang bumabati at never ko pa silang binati.

Kaya naman ito sila at nakanganga lahat sa akin.Na waring nagtataka sa mga nangyayari.But actually ako rin naman nagtataka sa mga ikinikilos ko.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon