Chapter 70: Thea's Birthday

949 16 0
                                    

[Althea]

Today is my birthday at imbes na maging masaya ako kabwisitan at inis ang nararamdaman ko.

Paano ba naman kasi kaninang umaga pagkagising ko wala na si Renz sa kama tapos noong bumaba ako sa kitchen naabutan ko sila doong mag-ama.Si baby Sky nasa dining table at pinapakain ni Renz ng pancake with matching syrup.

Natuwa nga ako noong una kasi alagang alaga n'ya si baby.Pero ang ikinainis ko lang.Umalis s'ya ng hindi man lang ako binati ng happy birthday.

NagGoodMorning lang s'ya at saka ako hinalikan sa pisnge.

Tapos nagpaalam na s'ya na aalis na s'ya dahil malelate na s'ya sa work n'ya.

Tapos umalis na s'ya.At hindi man lang ako binati ng Happy Birthday samantalang ngayon na nga lang kami magkakasamang birthday ko.

Di ba nakakapagtampo iyon.Tapos tinatawagan ko s'ya hindi naman nya sinasagot.

Kakainis.

Nandito ako sa bahay ngayon at inaalagaan ko ang anak ko.Naglalaro kami ng lego dito sa sala.

Natigil naman kami sa paglalaro nang biglang dumating si Dylan.

"Happy Birthday Thea."Nakangiti n'yang bati at inabot n'ya sa akin ang isang pirasong pulang rosas.

"Buti ka pa binati ako."sabi ko habang inaamoy ang red rose na bigay nya.

"Bakit hindi ka ba binati ng boyfriend mo?"tanong n'ya.

"Absolutely.Nagpasok pa nga sya sa work n'ya eh.At hindi man lang ako binati.Nagmamadali s'ya kanina noong umalis.Malelate daw sa work.Kainis nga eh."Reklamo ko.

"Naku,hayaan mo na si Renz malay mo may sorpresa pala s'ya sa'yo pag-uwi nya."sabi n'ya.

"Paano kung nakalimutan n'ya na birthday ko ngayon?"tanong ko.

"Ano ka ba? Hinding hindi makakalimutan ni Renz ang birthday mo.Eh password pa nga nya sa cellphone nya iyong birthday mo di ba?"sabi nya at kinarga nya si baby Sky.

"Oo na.Pero bakit naman isang pirasong long stick red rose lang itong ibinigay mo?"Taka kong tanong.Lagi kasing isang boquet ang ibinibigay nya sa akin tuwing birthday ko.

"Hahahaha! Ibinawas ko lang kasi iyan doon sa isang boquet na ibibigay ko sa babae ko."Natatawa n'yang sabi na ikinainis ko.

"Kainis ka naman eh."sabi ko and I crossed my arm.

"Haha! Joke lang ano ka ba.Binili ko talaga iyan para sa'yo.Baka kasi magselos si Renz kapag binigyan kita ng isang boquet flowers."sabi nya.

"Tss,oo na.Pero ano bang pinunta mo dito?"tanong ko.

"Ah,oo nga pala.Gusto ko kasing isama si baby Sky na magmall ngayon.Ilang weeks ko na kasi s'yang hindi nakakabonding.Namimissed ko na itong pamangkin ko."sabi nya habang karga-karga si Sky.

"Okey sige.Ipasyal mo si baby."sabi ko.

Umalis na s'ya kasama ang anak ko.Kaya ako naman ito at naiwan.

Alone sa napakalaking mansion.Pero sabagay sanay na naman akong mag-isa.

At dahil mag-isa ako nagpunta na lang ako sa garden at nagsulat sa notes ng nobela ko.Para iwas bordom na rin.

"Thea!"Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa tumawag.

At nakita ko si Claire na kumakaway sa akin.

"Hi,Claire."Walang gana kong bati.

Lumapit naman agad s'ya sa akin.

"Happy Birthday."Masaya n'yang bati.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon