Chapter 30: Mensahe ng Pamamaalam

713 21 0
                                    

[Terenz]

Nasa bahay lang kami ngayon ni Thea at kumakain ng breakfast ng magkasabay. Dalawang araw na rin ang nakalipas mula ng umuwi kami galing sa resort.

Okey naman kami. Ganon pa rin busy kami pareho sa mga trabaho namin.
Pero hindi naman kami nawawalan ng oras sa isat isa.

Nagtulong kami sa pagluluto ng breakfast. Wala rin naman kasi akong gagawin ngayon. Pareho kasi kaming nagday-off.

After kasi namin sa resort nagback to work na kami at masyadong naging busy. Wala rin naman kasing masyadong trabaho sa office kaya hindi na ako pumasok.

"Renz, hindi ko na kaya."sabi ni Thea na hindi na gaano makapagsalita dahil puno na ng pagkain ang bibig.

Sinusubuan ko kasi siya.

"Thea mauubos na. " sabi ko

"Eh kung sha bushog na nga ko eh. Nano ba?"Reklamo niya habang puno pa ang bibig at pinipilit nguyain ang pagkain.

"Huwag ka nang makulit.Kumain ka na lang." Istrikto kong sabi at hinawakan ko ang chin niya at pinanganga siya at sinubuan ulit ng isang kutsarang kanin na may kasamang ulam na adobo.

Pinanunuod ko lang siya habang nag-ngunguya. Ang cute nya para syang bata na pinipilit pakainin. Well pinipilit ko naman talaga siya na ubusin niya ang pagkain niya.

"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?"Suplada niyang tanong habang nagngunguya.

"W-Wala. Ang cute mo kasi." tugon ko.

"Oh ito pa. Say ahh."I command.

"Ahh" She open her mouth at sinubuan ko sya ng isa pang kutsarang pagkain.

"Busog na ko."Reklamo niya.

"Busog ka na eh kunti nga lang iyang pagkain mo na sinandok ko sa'yo."

"Ayoko na...busog pa ko."Pagdadahilan niya.

"Anong busog? Wala ka pa ngang kinakain paggising mo kanina. Tinatamad ka na namang kumain. Akala mo matatakasan mo ko." Sermon ko.

Ganito lang talaga ko sa kaniya kahit noong highschool pa lang kami.

"Mananaba na ko niyan." Anas niya at nagpout pa na mas lalong nagpacute sa kaniya.

"Wala akong pakialam kahit tumaba ka pa. Sexy ka kahit anong anggulo. Kumain ka na."

"Renz naman ehh...kainis ka!"Naiinis niyang sabi.

"Hahaha."

"Tumatawa ka pa!" Inis niyang sigaw at sinabunutan ako.

"Aray! Hindi ka na mabiro."

"Stupid Mafia King."Bulong niya pero narinig ko naman.

"Anong sabi mo?" Kunwari kong tanong.

"Wala!"Inis niyang sagot.

"Okey...Ms.Panget."Pang-aasar ko at tinitigan niya ko ng matalim.

"Reeeenz! Kainis ka! Ang lakas mo talaga mang-asar.Hindi ka na nagbago stupid ka talaga!"Sigaw nya sa akin pero tinawanan ko lang siya. Nanginginig siya sa galit. Nakakatawa.

"Hahaha! Kumain ka na lang."

"Ahhh! I ha-"Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang sinubuan.

At natahimik na lang siya at nag-nguya.

Maghapon kaming nagkulitan na parang bata. Sobrang saya namin.

Para ngang ayaw na naming matapos ito.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon