Chapter 19: Bloody Nightmare

1.1K 35 0
                                    

[Althea]

"🎶Twinkle twinkle little star.How I wonder what you are.Twinkle-twinkle little star.🎶"Pag-awit ko habang nakaupo ako sa kama ko at pinagalalaruan ko lang si Feno na teddy bear ko.Malaki siyang stufftoy kaya tuwang-tuwa ako sa kaniya.

"Feno,matulog na tayo."sabi ko sa stufftoy ko at saka ako nahiga at niyakap siya.

*Bang!

Agad akong napabangon nang makarinig ako ng putok ng baril.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang magising ako.Natatakot ako.

"Feno,ano iyon?"tanong ko rito.

Dahan-dahan akong bumangon at bumaba sa kama ko.Labit-labit ko si Feno na stufftoy ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at saka ako lumabas.Pababa pa lang ako ng hagdanan nang makita ko ang mommy at daddy ko na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.

"Mommy,Daddy."Tuluyan na akong umiyak nang makita ko sa ganoong sitwasyon ang mga magulang ko.

Nagtago ako sa may hagdanan at naupo sa sahig upang magtago.
Nakayakap lang ako sa teddybear ko habang umiiyak ako at pinapanood ang dalawang lalake na pumatay sa mga magulang ko.

Tatlong putok pa ng baril ang narinig ko na tumama sa mga magulang ko.
Napasigaw ako dahil sa pagkabigla.

"Mommy! Daddy!"Sigaw ko.Agad namang napatingin sa akin ang dalawang lalake.

"Pare ang bata."Narinig kong sabi nito.
Patay nakita nila ako.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Agad akong nilapitan ng lalake at kinaladkad pababa ng hagdan.

"Bitawan mo ko! Bad ka!"Nagpupumiglas ako pero hindi ako makawala.

Itinulak ako ng lalake kaya napaupo ako sa tabi ng mommy at daddy ko.

"Sige mamaalam ka na sa mga magulang mo!"sabi ng isang lalake.

Hinawakan ko ang kamay ng mommy ko.Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko pabalik.

"Mommy."Umiiyak kong pagtawag sa kaniya.Kitang-kita ko kung paano nag-aagaw buhay ang mommy ko.

"Mommy,please huwag mo ko iwan."Umiiyak kong pakiusap.

"Daddy wake up."sabi ko naman sa daddy ko na walang malay.

"Sshh...don't cry baby girl.Tahan na.Huwag kang umiyak."sabi ng mommy ko sa mahinang boses.

Pinahid niya ang luha ko kaya naman nabahiran na ng dugo niya ang mukha ko.

"Mommy please huwag mo ko iwan."Umiiyak kong sabi.

"Baby girl lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng daddy mo.Magpakatatag ka anak.Mag-iingat ka."Ngumiti siya sa akin at doon na siya nalagutan ng hininga.

"Mommy! Mommy!"Humahagulgol kong sabi.Umiyak na ako ng umiyak.

"Mommy Daddy..."

"Ang sasama niyo! Pinatay niyo ang mommy at daddy ko! Bad kayo!"Galit kong sigaw sa mga pumatay sa mga magulang ko.

"Hahahaha!"Tumawa lang sila at pagkatapos ay agad akong binaril.

"Mommy!"Naibulalas ko nang magising ako.Napanaginipan ko na naman ang nangyari sa mga magulang ko.Ang gabi na pinatay sila sa mismong harap ko.

I'm only four years old that time but I still remembered the night when my parents died.They both killed by a two guy.I will never forget that night.Isa iyong bangungot sa buhay ko.

Nawalan ako ng malay kahit sa braso lang nila ako natamaan at dahil pag-aakalang patay na ako ay agad nila akong iniwan.

Bata pa lang ako nang mangyari iyon pero alam ko na ang pakiramdam na mawalan ng minamahal sa buhay.

Pinatay ang mga magulang ko sa harapan ko mismo.Hinding-hindi ko makakalimutan ng gabing iyon.
Napuno ang mga kamay ko ng dugo ng mga magulang ko.

Umiyak na ako ng umiyak nang magising ako.Nagising rin naman si Renz at agad akong inalo.

"What happend?"Alala niyang tanong.

Hindi lang ako umimik at patuloy ako sa pag-iyak.Siya naman ay patuloy lang sa pag-alo sa akin.

"Napanaginipan mo na naman ba ang nangyari sa mga magulang mo?"Alala niyang tanong.I just nod to him.Pinahid niya ng mga luha ko.

"Tahan na.I promised I would never let that happen again.And I would never let anyone to hurt.I will protect by my own life."Nawala ang takot na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung wala siya.

"Thank you Renz.Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka."sabi ko.

Ngumiti siya at saka ako hinalikan sa noo.Patuloy pa rin naman sa pagtulo ng mga luha ko.

Kahit ang tagal ng nangyari iyon.
Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyon.Ang gabi na walang awang pinatay ang mga magulang ko.

Pagkatapos ng insedente na iyon dinala ako sa DSWD at napunta sa bahay ampunan kung saan ko nakilala si Renz.

Dahil sa kaniya natutunan kong muli kung paano ang ngumiti at maging masaya.

"Tahan na."sabi niya habang pinapahid ang mga luha ko.

Niyakap niya ako at isinubsob ko na lang ang mukha ko sa chest niya at doon na ako umiyak ng umiyak.

"I missed them so much."Umiiyak kong sabi.

"Masaya na sila kung nasasaan man sila ngayon.Kasama na nila ang ate mo.Malulungkot sila kapag nakikita ka nila na nagkakaganyan."sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"Renz, pwede bukas bisitahin natin si Ate?"Pakiusap ko.

"Sure, walang problema.Bukas dadalawin natin ng puntod niya."

"Thank you."Nanatili akong nakayakap sa kaniya.Hanggang sa pagtulog ay nakayakap pa rin ako sa kaniya.

"Huwag mo ko iwan huh."sabi ko habang nakahiga kami at yakap-yakap niya ko.

"I promise I will never leave you."he said and he kissed the top of my head.

Natulog na kami pareho.Ang swerte ko na nandiyan siya.Bukas bibisitahin namin si Ate.

Total: 909 Words

Votes &Comments are highly appreciated.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon