Chapter 45: Terenz and Claire Issue

678 19 0
                                    

[Althea]

Parang pinipiga ang puso ko sa mga nakita ko sa newspaper.

FAMOUS MODEL AND FASHION DESIGNER IN FRANCE CAME IN THE PHILIPPINES LAST MONTH AND NOW DATING ONE OF THE MOST RICHEST MAN IN THE COUNTRY.
MS.CLAIRE PEREZ DATING ENGR.TERENZ EZCADLER.
IS THEY'RE STILL DATING OR THEY'RE NOW IN A RELATIONSHIP?

Iyan ang nabasa ko sa headline sa dyaryo. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sa mga oras na ito hindi pa ako naniniwala pero sa kabila noon nasasaktan pa rin ako. Lalo na ng makita ko ang photos ng newspaper's headline. Picture nina Claire at Renz na magkayakap at sa nakikita kong background ng photo ay nasa isang hotel sila.

"No this can't be! Hindi magagawa sa akin ni Renz ito. Alam kong kagagawan lang ito ni Claire." sabi ko sa isip ko habang tinititigan ko ng mabuti ang newspaper.

Sa mga oras na ito ay kami lang ni Nina ang narito sa office ko. Sarado din ang pinto ng kwartong ito. Nakatayo lang ako at parang napako na ako sa kinatatayuan ko.

"Girl paano na 'yan?" Nag-aalalang tanong ni Nina na nasa tabi ko at nakatayo. Hindi ko na lang siya nilingon. Ang daming pumapasok sa isip ko. Kung ano-ano.

"Best wait lang huh. Si Anne tumatawag. Sagutin ko lang."

Lumayo muna siya sandali pero nandito pa rin siya sa loob. Maya-maya ay bumalik na siya sa tabi ko.

"O, anong sabi ni Anne?" Kalmado kong tanong habang hawak ng isang kamay ko ang dyaryo. Nakita ko sa mukha niya na para siyang kinakabhan at hindi mapakali.

"Best, sabi ni Anne buksan daw natin ang TV nasa news daw ngayon si Claire."

"What! Okey fine. Turn on the TV."Utos ko at agad naman niya itong ginawa.
Binuksan niya ang wall flatscreen TV na nandito sa office ko. At pagkabukas-bukas pa lang ng TV screen ay agad naming nakita ang mga taga press at reporter na nagkakagulo.

Maiingay sila at nagsisiksikan. Base sa teyorya at obserbasyon ko nasa Mall sila ng mga oras na ito.May mga alalay si Claire na bodyguard. Nakasuot siya ng magarbong dress na color black at nakashade.

Nagkakagulo ang mga press na sunod lang ng sunod sa kankya sa kaniyang paglalakad. Pinoprotektahan naman siya ng mga bodyguards niya.

"Ms.Claire totoo po ba ang nasa newspaper?"

"May relasyon ba talaga kayo ni Mr.Renz Ezcadler?"

"Matagal na ba kayo?"

"Balita namin may fiancee na si Mr.Ezcadler at iyon ang sikat na writer ngayon na si Ms.Althea Buenaventura."

"Totoo po ba na may relasyon kayo?"

"Nagdidate nga ba kayo?"

"Nililigawan ka pa lang ba ni Mr.Ezcadler o kayo na?"

"Ms.Perez pakisagot po ang mga tanong."

"Ms.Perez. Ano kayo na nga ba?"

Sunod-sunod na tanong ng mga nagkakagulong reporter. Si Claire naman ay nakangiti lang sa kanila.
Magulo na rin ang kuha ng videocam kaya medyo magulo ang palabas sa TV screen. Dahil na rin siguro sa sobrang siksikan na. Nakasunod pa rin ang press sa kaniya. Nakapanuod din ang mga taong naggagala sa mall.

Maya-maya ay tumigil si Claire. Halata mo sa kaniya na handa at confident siya na sagutin ang mga katanungan.

"Well, sasagutin ko ang mga tanong niyo. Pero pwede ba layo layo kayo ng konti. Give me some space ang init eh." Maarte niyang sabi at sumunod naman agad ang mga ito.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon