[Terenz]
"Leave me alone!"
"Hands off."
"Ahhh!"
"Huwag ka!"
Pagsisisigaw ni Thea. Nakahiga kasi siya ngayon sa kama kaya tinabihan ko siya para suyuin. Alam niyo naman di ba nagtatampo ito sa akin.
"Thea,hindi nga kasi pwede.Hindi nga kami close ni kuya Dylan." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Habang hinahagod ang buhok niya.
Nakatalikod kasi siya sa akin. Nakatagilid kami pareho ng higa pero siya nakatalikod sa akin kaya likod niya lang ang kaharap ko.
"Hoy,babe naman. Kausapin mo naman ako." Pagtawag ko sa kaniya.
"Huwag mo akong kausapin hindi kita bati." Parang bata niyang wika.
"Thea, kung gusto mo ng salad ipagpapagawa na lang kita kila Manang, o kaya magpapadeliver ako ng salad sa pinakasikat na restaurant dito sa Pilipinas. Basta kausapin mo lang ako." Panunuyo ko sa kaniya.
Hindi lang siya naimik at nakatalikod pa rin siya ng higa.Ako naman ay pinaglalaruan ko lang ang buhok niya. Inaamoy-amoy ko rin. Ang bango grabe.
"Thea." Pagtawag ko sa kaniya at sapilitan ko siyang iginiya ng higa. Kaya ngayon ay kaharap na niya ang kisame.
Ako naman ay nakatagilid lang paharap sa kaniya. Nagcross-arm siya habang nakahiga. Niyakap ko naman agad siya at isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya. Ang bango niya grabe. Ang sarap amoy-amoyin.
"Babe?"
"Sige na nga. Okay na na hindi mo na ako maipagrequest kay Dylan ng buko salad. Ako na lang ang pupunta sa kaniya at magrerequest." sabi niya.
Hinatak ko siya at iniharap sa akin. Kaya ito magkaharap na kami at nakatagilid ng higa.
"Huwag ka ngang pupunta doon." Istrikto kong sabi.
"At bakit?" Sarkastika niyang tanong.
"Basta ayoko. Condo iyon. Paano na lang kung may gawin siyang kung ano sa'yo?"
"Like what?" She asked.
Naparagitgit ako ng ngipin ko. Ang hirap kasi paliwanagan ng babaeng ito.
"Basta masasamang bagay. He's a gangster, a badboy, a playboy, womanizer, and pervert guy. Baka biglang pag-interasan ka niya. Baka rap--" I didn't finnish my word because she covered my lips by her index finger.
"Hindi niya magagawa sa akin iyon. Mabait siya sa akin. And yeah, he's a gangster but have you forgot? That I am a Gangstress too. The only girl member of ElblackO Gang. Mabait siya at close kami kaya hindi niya magagawa sa akin ang mga iniisip mo." sabi niya.
"You are not a Gangstress Maine. It's just your sister Althea. The real Althea Buenaventura." Giit ko.
"Tsk, oo na. Ako nga si Maine na bestfriend mo na loner, iyakin, mahina, at laging binubully noon. At si ate Althea na nga ang talagang member ng ElblackO. Siya na ang gangstress queen. Nagsubtitute lang naman ako kaya naging member nila ako. Pero bakit ba kasi ayaw mo akong papuntahin doon? Teka...
Ano nga kaya? Ahmm... Teka nagseselos ka
ba sa kuya Dylan mo?"Umiinit ang mukha ko sa tinanong niya.
"Of course not. Hindi ako nagseselos."
"Hahaha. You can't denide it, Renz, its obvious. You are jealousing."
"Oo na! Nagseselos na nga ako. Ano masaya ka na. Nagseselos ako kapag nakikita ko kayong magkasama. Nagseselos ako." Pag-amin ko sa kaniya.
Pero oo nagseselos ako. Normal lang naman iyon di ba?
"Hahaha! Si Renz nagseselos? Hahaha! Ang cute mo hon.Alam mo ba 'yon. Haha."
Pagtawa niya habang nagpapapadyak pa sa kama.
Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito? Kanina galit siya, ngayon naman ang saya-saya niya."Tsk... Huwag mo na nga akong asarin. Halika nga rito."
[Althea]
Si Renz nagseselos kay kapag daw magkasama kami ni Dylan.
Wow ang sweet! Nakakakilig.
"Halika nga dito. " sabi niya at nagulat ako nang bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya.
"T-Terenz. Hindi ako makahinga."
Nakayakap kasi siya sa akin at ang higpit pa ng yakap niya. Naaamoy ko na nga ang pabango niya. Ang bango niya grabe ang sarap amoyin.
Nakahiga ako kaya ang kisame ang nakaharap sa akin. Si Renz naman ay nakatagilid paharap sa akin at yakap-yakap ako.
Ang higpit ng yakap niya. Hindi na nga ako makagalaw.
"Renz, bitaw." Utos ko.
"Ayaw ko. Dito na muna tayo. Namiss kita eh. Alam mo naman di ba masyado na tayong naging busy nitong huli." sabi niya habang inilalagay ang buhok na nakatabing sa mukha ko sa likod ng tenga ko.
"Oo na."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
Whaaa! Bakit ako kinikilig?
Napatingin ako sa kamay namin na hawak niya. He intertwined our fingers together kaya magkaholding hands na kami ngayon.
Ramdam ko ang init ng kamay niya. Para akong kinukuryente. Naglalaro na naman sa tummy ko iyong mga butterflies. Kinikilig ako sobra.
Hindi ko lang pinapahalata. Nakakahiya eh baka ako na naman ang asarin nito.
Ang lakas nitong mang-asar eh.Nakayakap siya sa akin habang hawak ang kamay ko.
Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang buhok ko. Ang mata ko, ang ilong ko, ang labi ko, at ang pisnge ko.Smooch kiss lang
Ang sarap niya kayakap. Namiss ko ito.
I love you Renz.
Pero gusto ko talaga ng buko salad na luto ni Dylan. I want spaghetti na rin kaso ubos na magpapaluto na lang ulit ako mamaya. Gusto ko rin ng marshmallow.
Ano ba 'yan parang nagiging matakaw na ako. Naku baka tumaba ako.
Whaa! Ayokong tumaba.
Hanggang sa nakatulog na kami pareho, magkayakap at magkaholding hands.
Total: 880 Words
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...