[Althea]
Nakasandal pa rin ako sa pader at nakakulong sa lalakeng ito.
Sino ba kasi sya at anong kinalaman nya sa ezcamafia?
"Ikaw palang mafia queen. Well, magaling pumili si Renz, maganda ka kaso mukhang mahina. " Kalmado niyang sabi at napakunot ang noo ko.
"Wala ka nang pakialam doon! At pwede ba layuan mo ko! Let me go!" Lakas loob kong sabi.At natawa lang siya ng mahina.
"Hahaha! Matapang ka para sa isang babaeng mapapangasawa ng isang mafia king. Pero sayang lang dahil para sa akin mahina ka pa rin." Nakakaloko nyang sabi.
Nakakainis siya feeling close kung makapagsalita. Ang sarap niyang ilagay sa kumukulong tubig at pakuluan hanggang sa lumambot.
"Alam mo mas maganda kung hahanap na lang si Renz ng ibang mapapangasawa."sabi niya na ikinainis ko.
Agad ko syang nasampal dahilan para mapabaling ang ulo nya sa kabilang side.
Napahawak siya sa kaliwang mukha nya na nasampal ko.
" How dare you!" I shout on him, but he just smirk.
"Huwag kang magalit. Binibigyan lang kita ng option. Si Terenz ang nakatakdang susunod na mafia king at magpapatakbo't mamumuno sa Ezcamafia. Alam mo naman diba kung gaano kalaki ang responsibilidad ng isang mafia. Madugo at magulo ang kasaysayan ng mga mafia. Puro pagpatay, galit, at pagkamuhi ang naganap sa nagdaang mga henerasyon ng mafia. Alam mo naman siguro diba na sa oras na mapangasawa mo na si Renz. Damay ka na sa lahat ng gulong ito. Ano man ang mangyari magiging bahagi ka na ng Ezcamafia at bahagi ka na ng marahas na mundo ng mga mafia."
Natahimik ako sa mga sinabi nya.
"Wala kang karapatan para sabihin iyan. Alam kong ginagawa ko at kung anong pinapasok ko. Noon pa man alam kong hindi magiging madali ang lahat. At tama ka madugo at marahas ang kasaysayan ng Ezcamafia. Matagal ko ng alam iyon. Bata pa lang ako nakaranas na ko ng mga kaguluhan sa buhay. Tulad ng walang awang pagpatay sa mga magulang ko na ginawa sa harap ko mismo. Im just only three years old that time pero nakakita na ko ng taong pinapatay. Sa edad na iyon alam ko ng pakiramdam ng mawalan ng minamahal. Oo masakit sobra iyong parang hindi mo na alam kung paano gigising sa umaga ng wala na sya. Naranasan kong mabully sa bahay ampunan, naranasan kung apihin at alipustahin ng kahit na sino, naranasan kong makipagsapalaran sa masalimuot na mundong ito, ang mamalimos at magtrabaho sa batang edad, naranasan kung ipagtabuyan at pahirapan ng ibang tao, ang matulog sa kalye at kumain ng tira-tira ng iba. Naranasan kong paulit-ulit na saktan, makidnap at kung ano-ano pa.Bata pa lang ako tanggap ko na, na hindi makatarungan ang mundo. Pero ang lahat ng iyon ay nalampasan ko, nalampasan namin ni Terenz. Sa lahat ng iyon nandiyan siya at hindi niya ko pinabayaan. Handa niyang ibigay ang buhay niya para lang sa akin. Kaya handa ko rin ibigay ang buhay ko sa kaniya. Mahal ko siya at walang makakapagpabago roon. Magkasama naming haharapin ang mga pagsubok na darating sa buhay namin. Magkasama naming babaguhin ang kasaysayan ng Ezcamafia. At maaaring hindi naging maganda ang kasaysayan ng mga mafia pero nandito na kami ni Renz na magkasamang babaguhin iyon. Isa pa magkaiba ang nakaraan sa hinaharap pwede mong baguhin ang kahit ano kung gugustuhin mo lang. "Mahaba kong paliwanag at natahimik siya.
"Ikaw ang bahala, pero mas maganda kung tayo na lang ang ikakasal."
Agad kong nasampal si Mr.Ewan sa ikalawang pagkakataon.
"Ahhh!"Naibulalas ko when he grabbed my wrist and pinned me to the wall. And he try to kiss me.
Hindi pa man nya ako nahahalikan ay napapikit na ako ng mariin.
Ngunit agad din akong napamulat ng may biglang humiklas dito.
" Ah!"Naibulalas ko nang biglang hiniklas ni Renz ang lalake at sinuntok sa mukha.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
Storie d'amoreTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...