[Althea]
"Mahal mo pa ba s'ya?"Muli n'yang tanong.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.Natatakot ako sa mga maaaring kalabasan ng magiging sagot ko.
Napayuko na lang ako at mabagal na tumango-tango.
"Oo mahal ko pa s'ya."Bigla na lang iyang lumabas mula sa bibig ko.
Bigla ko na lang nasabi ang mga salitang iyan pero alam ko na galing iyan sa puso ko.
"Mahal po naman pala s'ya eh.Bakit hindi mo s'ya bigyan ng second chance?"tanong n'ya.
Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Kasi..."
"Kasi natatakot ka?"tanong n'ya.I nod.
"Thea,walang mangyayari kung matatakot ka.Alam ko natatakot ka ng masaktan at iwan."sabi n'ya.
"Naguguluhan na ko Dylan.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.Hindi ko na alam kung anong pakikinggan ko.Kung iyon bang sinasabi ng puso ko na mahal ko pa s'ya.O kung iyon bang sinasabi ng isip ko na hindi ko na s'ya pupwedeng mahalin dahil masasaktan lang ako.Hindi ko na alam.Kailan ba matatapos toh.Kailangan ba kapag nagmahal masaktan."saad ko.
Ipinatong nya ang mga kamay nya sa magkabilang balikat ko at iniangat sa kanya ang ulo ko.Tingnan n'ya ko sa mga mata.
"Thea,pinili mo ang magmahal.Natural lang na masaktan ka.Pero hindi iyon nangangahulugan na kailangan mo nang sumuko sa inyong dalawa.Thea,hindi pwedeng isa lang ang magmamahal.Kailangan pareho kayo.Thea,25 years. Ganon katagal. Itatapon mo na lang ba ang lahat dahil lang sa isang pagkakamaling ginawa niya. Dahil lang sa natatakot ka? Sa loob ng ganon kahabang panahon nagkasama kayo ni Renz sa iisang bubong.Sino ba iyong tao na palaging nand'yan sa tabi mo noon? Para pasayahin ka kapag malungkot ka.Iyong tao na laging nand'yan para suportahan,alagaan,at protektahan ka? Hindi ba si Renz.Thea,ang dami nyo ng pagsubok na hinarap at nalagpasan.Ngayon pa ba kayo susuko.Thea,27 years.Itatapon mo na lang ba ang lahat ng iyon? Ikaw na rin ang nagsabi na mahal mo pa rin talaga si Renz.Kaya sana huwag kang maging unpair sa kanya.Maging totoo ka na sa mga nararamdaman mo.Isa pa thea,hindi na kayo mga student or highschool lover na pwedeng magbreak kapag gusto n'yo na pwedeng magcool-off kapag mahirap na ang sitwasyon.Thea,may anak na kayong dalawa.Nand'yan na si baby Sky na naiipit sa mga nangyayaring ito.Karapatan ng bata na makilala ang tunay n'yang ama.Huwag mong hayaan na daigin ka ng takot mo.Mahal mo s'ya panindigan mo."Mahaba n'yang paliwanag.
"Thanks sa mga sinabi mo.Mas naging malinaw na sa akin lahat.Salamat best."sabi ko at niyakap s'ya.
Dahil sa mga sinabi ni Dylan mas naging malinaw na sa akin ang lahat.
Oo mahal ko pa si Renz.
Ipinagluto ko muna ang anak ko ng favorite n'ya na spaghetti at cookies.
Si Dylan na muna ang magbabantay sa kanya dahil dayoff naman n'ya ngayon.
"Bye,baby.Anong gusto mong pasalubong sa'yo no Mommy?"tanong ko.
"Gusto ko po si Daddy."Masaya n'yang sagot habang karga karga s'ya ni Dylan.
Nagkatinginan naman kami ni Dylan.
"Bye baby.Kiss na si Mommy."sabi ko at inilapit ko ang kaliwang mukha ko sa kanya.Agad naman n'ya akong binigyan ng matamis na halik sa pisnge.
"Oh,Dylan pakainin mo na 'yan.Pero konti lang ng spaghetti ang ipapakain mo d'yan.Kapag nagutom timplahan mo na lang ng gatas sa milk bottle n'ya."sabi ko.
"Akong bahala.Ingat sa work."sabi nya.
Matapos iyon ay umalis na ako at nagtungo sa publishing dahil mayroon kaming pagpupulong.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomansaTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...