Chapter 68: New Beginning

1K 16 0
                                    

[Althea]

Natigil kami sa ginagawa namin nang biglang dumating.

Tiningnan namin ang nagsalita.Nakita namin sa may pintuan sina Dylan,Claire,atang anak ko.

I mean anak namin ni Renz.

"Mommy?"Takang tawag sa akin ng anak ko siguro ay nagtataka s'ya sa nakita n'ya.

"Mukhang hindi na kami kailangan dito.Sige maiwan na muna namin kayo."Paalam ni Dylan at lumabas na s'ya ng kwarto kasama si Claire.

Naiwan kami ni Renz at ni baby Sky dito sa loob ng kwarto.

Nasa kama kami ni Renz at si baby Sky naman ay nakatayo sa may tabi ng kama at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Renz.

"Baby,halika rito."sabi ko sa anak ko at binuhat ko s'ya at pinaupo sa kama.

Kaya ngayon ay nasa kama na kaming tatlo.

"Baby,di ba sabi mo gusto mo nang makita at makasama si Daddy mo."sabi ko habang sinusuklay ko ang buhok ni Sky.
Nasa pagitan kasi namin s'ya ni Sky.

"Opo."tugon n'ya at nginitian ko s'ya saka ako tumingin kay Renz.

"Renz,sige na sabihin mo na sa kanya."sabi ko kay Renz at kita ko ang saya sa mga mata n'ya.

"Baby Sky.May sasabihin sa'yo si Tito Renz mo huh.Kaya makinig ka."sabi ko sa anak ko.

"Opo,Mommy."tugon n'ya.

I gave Renz a look na magstart na s'ya.

"Baby Sky..."Panimula ni Renz.

"Bakit po?"Takang tanong ng anak ko.

"Baby Sky.Ako ang Daddy mo.Anak kita and I am your Father.Akong Daddy mo."Pagpapakilala n'ya.

Kita ko na parang nagulat si Sky sa sinabi ni Renz at napatingin naman si Sky sa akin.

"Is that true,Mommy."Paninigurado n'ya.

"Yes baby.Sya ang Daddy mo."Nakangiti kong sabi.Naiiyak na ako sa sobrang saya.

"Daddy."sabi ni Baby Sky at agad n'yang niyakap si Renz.Niyakap naman agad s'ya ni RenZ na halos naiiyak na rin sa sobrang saya.

"Daddy,bakit ngayon ka lang po umuwi?"tanong ni Sky.

"May inasikaso kasi si Daddy eh.But don't worry kasi mula ngayon hindi na tayo magkakahiwalay."Nakangiti nyang sabi at ipinatong n'ya ang kamay nya sa ibabaw ng ulo ni Sky at ginulo ang buhok nito.

"Baby,masaya ka ba ngayon?"tanong ko.

"Opo,Mommy.Sobrang saya ko po kasi nandito na si Daddy."sabi nya.

Ang laki ng ngiti n'ya kaya naman ang saya-saya ko ngayon.

*Door Knock

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Dylan.

"Baby Sky.Sama ka muna sa akin.Manlilibre ng ice cream si Tita Claire mo."sabi ni Dylan at biglang dating naman ni Claire.

"Oo nga baby.Ililibre kita ng Ice cream."Nakangiting sabi ni Claire.

Umiling-iling naman si Baby Sky.

"Ayoko sumama.Gusto ko kay Daddy lang ako."Pagtanggi n'ya at agad s'yang yumakap kay Renz na nakahiga na ngayon

"Daddy,laro na po tayo."Yaya n'ya kay Renz at hinikit na nya si Renz.

"Baby,hindi pa pwede.Tingnan mo nga.Hindi pa magaling si Daddy."sabi ko.

"Pero..."

"Don't worry anak.Kapag magaling na ko.Maglalaro tayo.Kasama si Mommy."sabi ni Renz.

"Yeheey!"Masayang sabi ng anak ko.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon