Chapter 67: Second Chance

1K 19 0
                                    

[Terenz]

Hindi namin inasahan ang pagdating ng dalawang lalake.Agad kaming pinaputukan ng baril ng isa.Hinatak ko agad si Maine at nagtago kami sa likod ng cabinet.

Kinuha ko agad ang baril na napulot ko na galing sa lalakeng binugbog ko kanina.

"Renz.Anong gagawin mo?"Alala n'yang tanong.

"Kailangang maging patas ang laban.Hindi naman ako papayag na may mangyayaring masama sa'yo.Don't worry everthing will gonna be fine."sabi ko at agad ako lumabas sa pinagtataguan namin.

At agad kong pinaputukan ng baril ang dalawa.

*Bang! Bang!

Sa dalawang putok lang ay nataman ko ang binti ng dalawang lalake na naging dahilan para mapaupo sila sa semento.

Kahit nakaupo na sila at iniinda ang sakit ng tama nila ay nagawa pa rin nilang barilin ako.Kaya binaril ko sila sa kamay.

Nang hindi na sila makalaban ay agad kong hinatak si Thea.Palabas ng kwartong iyon.Nanakbo na kami pababa ng hagdan.

Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thea.

[Althea]

*Bang! Bang!

Puro putok ng baril ang narinig ko.Hawak lang ni Renz ang kamay ko habang nananakbo kami palabas sa kwartong ito.

Inaamin ko natatakot ako sa mga pupwedeng mangyari.Hindi ko masiguro kung makakalabas kami dito ng buhay.

*Bang! Bang!

Sa binti at kamay lang ni Renz pinatatamaan ang mga ito.Mukha yatang ayaw n'yang makapatay.Sabagay kasalan naman nga sa Diyos ang pagkitil ng buhay.

Tunay nga na pinalaki s'ya sa pangangalaga ng mga madre.

Mga ilang sandali lang ay nakalabas na kami.Para akong nakahinga nang mahagip na ng tingin ko ang sasakyan ko.

"Sakay na Thea."Utos n'ya habang iaalalayan akong pumasok sa loob ng sasakyan ko.

Nakapasok na ako sa loob ng sasakyan.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalakeng pasiring siring na palapit dito sa kinaroroonan namin.

May hawak syang baril at masama ang tingin sa akin.

"Renz!"Sigaw ko.

*Bang!

Pero mukhang huli na ako dahil natamaan na si Renz.Nakita ko na may dugong lumabas sa bibig n'ya.

Nakita kong nagdurugo na ang bandang tagiliran n'ya.Mukhang doon s'ya natamaan.

"Renz!"Naibulalas ko dahil s pagkabigla ko.Nakita ko na parang nanghihina si Renz.At napaluhod na s'ya sa lupa sa tabi ng sasakyan.

Nakita ko na babarilin n'ya ulit si Renz kaya.Agad kong inagaw ang baril na nakay Renz at agad kong pinaputok sa lalakeng bumaril kay Renz.

*Bang! Bang! Bang!

Agad na nawalan ng malay ang lalake na binaril ko.Binitawan ko na ang baril sa kung saan at tinulungan ko si Renz na sumakay sa sasakyan.

At ngayon ay nandito na kami sa loob pareho.Isinara ko ang pintuan ng sasakyan at tiningnan ang kanyang kalagaya.

"Renz."Alala kong banggit sa pangalan n'ya.

Nakahawak s'ya sa may gilid n'ya at kita ko ang dugo na dumadaloy sa singit-singit ng mga daliri n'ya.Namumutla na rin s'ya at nanghihina.

"Don't worry.Okey lang ako."Nanghihinan'yang sabi habang nakasandal sa upuan.

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon