[Terenz]
Araw ngayon ng sabado at nandito ako sa Bloom Shop.Isang flower shop.Balak ko kasing bumili ng mga bulaklak.
"Miss,bigyan mo nga ako ng flowers."Utos ko sa babae pagkadating-dating ko.
"Anong klaseng bulaklak,sir?"tanong n'ya at mukhang nagpapacute pa s'ya sa akin.
"Give me 4 white roses,3 red roses,3 pink roses,and 2 yellow tulips."I said.
"Okay,sir.Pakihintay na lang po."sabi nito at inasikaso na agad ang order ko.
Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng front desk at hinihintay ang mga bulaklak na inorder ko.
Pinaglaruan ko muna sa mga daliri ko ang susi ng sasakyan ko.Maya-maya ay dumating na rin ang babae dala ang order kong isang boquet ng bulaklak.
"Sir,lalagyan pa po ba ng greeting card?"tanong n'ya habang inaayos ang bulaklak.
"Naku huwag na.Hindi na naman kailangan."tugon ko.
"Okay,Sir.Ito na po ang inorder n'yo.4 white roses,3 red roses,3 pink roses,and 2 yellow tulip."sabi n'ya at inabot sa akin ang isang boquet ng bulaklak.
"Sir,tanong ko lang po.Para sa GirlFriend n'yo po ba 'yan? Kung para sa kan'ya ang swerte naman n'ya."sabi nito.
"Ah,oo.Para sa kan'ya nga ang mga ito."tugon ko.
"Wow.Ang sweet n'yo naman sa kan'ya,Sir.Napakaswerte n'ya sa inyo.I'm sure maganda s'ya.Para tuloy gusto ko s'yang makilala."sabi pa nito.
Napangiti na lang ako sa sinabi ng babae.
"Huwag kang mag-alala.Makikilala mo rin s'ya.Kapag namatay ka na."sabi ko at nakita ko na parang kinabahan s'ya.
"W-What do you mean,Sir?"
"Patay na kasi ang GirlFriend ko.She died 5 years ago.Kaya naman balak ko s'yang dalhan ng mga bulaklak.Ang tagal ko na kasi s'yang hindi nabibisita."Paliwanag ko at nakita ko na parang nalungkot s'ya.
"Maswerte s'ya."sabi n'ya.
"Sige kailangan ko nang umalis."Paalam ko at saka ako lumabas shop at sumakay sa kotse ko dala ang bulaklak at nagdrive papunta sa cementery.
After an Hour...
***
Nandito na ako ngayon sa cementery kung saan nahihimlay si Maine.
Ilang puntod ang nalampasan ko bago ko narating ang puntod n'ya.Maganda ang panahon ngayon at kaysarap mamasyal.
Pagkarating-rating ko ay lumupagi agad ako sa damuhan sa harap ng puntod ni Maine.
Ipinatong ko ang bulaklak sa lapida n'ya kung saan nakasulat ang pangalan n'ya at kapangakan at kamatayan.
Nagsindi muna ako ng kandila sa ibabaw ng lapida n'ya at saka ko s'ya kinausap na para bang totoong nasa harap ko s'ya.
"Hi,Maine.Alam mo best miss na miss na kita.Bakit mo naman kasi agad ako iniwan? Alam mo sana nandito ka na lang."Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Sorry huh,kung ngayon lang kita nabisita.Alam mo naman naging busy ako nitong huli.Sana lang masaya ka kung saan ka man naroroon ngayon.Kailangan ko nang umalis."
Paalam ko at saka ko pinahid ang luha ko.Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na s'ya.
Tumayo na ako at naglakad palayo.Deretso lang akong naglakad hanggang sa narating ko na ang sasakyan ko.
Papasok na sana ako sa loob pero natigil ako nang may nakita akong isang babae na nakaupo sa isang cemented bench.
Tinitigan ko s'yang mabuti mula dito sa pwesto ko.At kahit malayo s'ya ay naaninaw ko pa ang mukha n'ya.
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...