Chapter 8: The Mission
[Terenz]
"See you my queen."
Iyan ang huli kong sinabi kay Mai--Althea bago kami maghiwalay.
Ewan hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon sinabi sa kan'ya.
Matapos iyon ay umuwi na ako sa aking mansion.
Ang daming tanong na naiwan sa akin matapos ang party na iyon.
Mga tanong na hindi ko alam kung paano masasagot.
Naguguluhan na ako.
Pagkadating ko sa mansyon ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko at natulog.***
"Nakita ko si Maine."sabi ko kay Mark.Kasalukuyan kasi kaming nandito sa bar at umiinom.
Nakita ko naman sa mukha n'ya na parang natakot s'ya sa sinabi ko.
"Ano! Minumulto ka ni M-Maine?"Nangangatal n'yang tanong.
"Of course not.Bakit naman ako mumultuhin ni Maine.Nakita ko s'ya kagabi.Pare buhay si Maine."sabi ko.
Medyo nagiging seryoso na ang aming usapan.
"Anong buhay? Eh di ba namatay s'ya five years ago.Nandoon din ako pare noong inilibing s'ya kaya paano mo naman nasabi na buhay pa s'ya?"tanong n'ya.
Patuloy lang s'ya sa pag-inom ganon rin ako.
"Si Ms.LonelyGirl s'ya si Maine?"sabi ko.
"Pinaglololoko mo ba 'ko? Paanong magiging si Ms.LonelyGirl si Maine kung patay na s'ya?"tanong n'ya.
Napahilamos na lang ako ng aking palad sa aking mukha.
"Hindi ko rin alam pare.Noong una inakala ko na patay na si Maine.Pero ang ipinagtataka ko sino ang babae na nagpakilalang Ms.LonelyGirl na kamukhang-kamukha ni Maine?"sabi ko.
"Pare alam mo marami lang talagang magkamukha sa mundong ito.Parang ako napagkakamalan akong si Daniel Padilla."
"Tss,isang malaking kasinungalingan."Pambasag ko sa sinabi n'ya.
"Oo na.Pero pare baka naman kamukha lang s'ya ni Maine.Patay na si Maine di ba.Inilibing na s'ya.Nanahimik na s'ya."sabi n'ya.
"Ewan naguguluhan na ako.Noong pumunta ako sa party kung saan ipakikilala na si Ms.LonelyGirl ipinakilala s'ya bilang si Althea Buenaventura pero bakit magkamukhang-magkamukha sila ni Maine?"sabi ko at saka ako tumungga ulit ng alak.
"Alam mo pare ganon talaga.Maraming magkamukha.O,baka naman paningin mo lang iyon noong party dahil nalasing ka na."sabi n'ya at uminom ulit.
"Anong nalasing? Paano ako malalasing eh iisang glass lang ng red wine ang ininom ko.Pare,s'ya talaga si Maine.Alam kong s'ya si Maine kahit sinasabi n'ya at ng lahat ng tao na malapit sa kan'ya na s'ya si Althea Buenaventura.
Mula ulo hanggang paa parehong-pareho sila.Pati boses walang pinagkaiba."sabi ko."Sigurado ka?"Paninigurado n'yang tanong.
"Oo naman.Pare,nagkasama na kami ni Maine simula bata pa lang kami.Kaya naman kilalang-kilala na namin ang isa't isa at alam ko na ang lahat sa kan'ya.Lahat alam ko ang mga hobby n'ya,kahinaan n'ya,talent n'ya,mannerism n'ya,o maging ang mga mark n'ya sa katawan.Pare lahat alam ko sa kan'ya.Naramramdaman ko s'ya iyon."Paliwanag ko sa kan'ya.
"Alam mo pare,napakaimposible lang talaga kasi ng sinasabi mo eh.Namatay si Maine limang taon na ang nakakaraan because of that insedent.Nandun ako noong inilibing s'ya at nandun ka rin.Kaya paanong buhay s'ya ngayon.At saka kung s'ya nga si Maine bakit hindi s'ya agad nagpakilala sa'yo? At bakit ipinagpipilitan n'ya at ng ibang tao na s'ya si Althea Buenaventura?"
BINABASA MO ANG
Felicitous Inheritress
RomanceTerenz Ezcadler, isang brokenhearted Mafia na napapanahon ng humanap ng mapapangasawa. Ngunit dahil nabigo sa pag-ibig dulot ng kamatayang humadlang sa kanilang pag-iibigan, pinangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal. Pero bilang tagapag...