Chapter 28: Mafia vs. Gangster

735 22 0
                                    

[Althea]

5 pm na nang makauwi kami ni Terenz dito sa mansion.Pinagbuksan kami ng mga gate guard at pagkababa namin ng sasakyan ay agad kaming pumasok sa loob.

"Aray! dahan dahan nga, ang sakit kaya." daing ni Renz.

Nandito kasi kami ngayon sa kwarto namin. At nakaupo kami pareho sa kama.Ginagamot ko kasi ang sugat sa gilid ng labi niya.

"Ouch! Dahan-dahan lang. May galit ka ba sa akin?" tanong niya ng diniinan ko ang pagdampi ng cotton buds sa sugat sa gilid ng labi niya.

"Oo! Dahil naiinis ako sayo!" sigaw ko sa kaniya sa inis ko.

"At bakit ka naman nai—aray ko!" Daing nya ulit ng mas diniinan ko pa ang pagdampi ng cotton buds sa sugat nya. May alcohol pa naman na kasama iyong bulak eh diba mahapdi iyon tapos mas diniinan ko pa.

"Aray." Muli nyang daing.

"Naiinis ako sayo dahil hindi ka marunong mag-ingat. Nagawa mo pa talagang makipagsuntukan. Paano na lang kung may nangyari sa iyong masama? Sabihin mo nga. Pasalamat ka iyan lang nangyari sa'yo.Ikaw na rin ang nagsabi diba na he's a gangster at pwede ka niyang balikan kahit kailan paano na lang kung noong binugbog mo siya may kasama pala siya? Paano kung nangyari iyon at pinagtulungan ka ng gangmate niya. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo kanina! Kainis kang lalake ka!" Sermon ko sa kaniya habang ginagamot ko ang sugat niya.

Natigil ako sa ginagawa ko ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko na may hawak na cottonbud. Nasa edge kasi kami ng kama kaya humarap pa siya sa akin.

"Thea, matanong nga kita sino ba ang nabugbog?" seryoso niyang tanong habang hawak ang kamay ko.

"Siya?" Taka kong sagot.

"Iyon naman pala. Thea sya ang nabugbug at hindi ako kaya wala kang dapat ipag-alala. At isa pa pinagtanggol lang kita. Ayaw ko lang na nababastos ka ng iba.Thea hindi mo lang ako fiance o boyfriend, thea bestfriend mo rin ako. Kaya ayaw ko na may nananakit o nambabastos sa"yo." sabi niya at kinilig naman ako pero hindi ko ipinahalata.

Actually medyo napahiya rin ako pero mas dinaig ng kilig ang hiya na nararamdaman ko.

Ang sarap kasi ng pakiramdam na may tao na nagpuprotekta sa'yo.

"Pero Renz, hindi mo na kailangang gawin iyon. Isa pa kaya ko ng sarili ko. Kaya da—" Naputol ang sinasabi ko ng bigla nya kong tinitigan sa mga mata.

He cupped my face and he combed my hair by his finger.

"Yeah I know, but it's my role to you as your future husband. And like what I promise you, I promise to you that I will protect you." he said and I'm just nod to him.

He kissed my forehead down to my nose and he also kissed my eyes.

Ipinagpatuloy ko na ang paggamot sa sugat nya at pagkatapos ay isinunod ko naman ang kaliwang kamay nya na isinuntok nya ng malakas sa pader kanina. Nilinis ko muna ang maliliit na sugat at gasgas sa kamay nya gamit ang bulak at alcohol. At saka ko ito binendahan ng malinis na puting benda.

Napansin ko na nakatingin lang siya sa akin habang binabalutan ko ng benda ang kamay nya paikot sa thumb nya at wrist niya.

"Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko habang binibendahan ko ang daliri niya.

"Wala, masaya lang ako na kasama ka." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"O, iyan na tapos na." sabi ko matapos kong gamutin ang sugat niya.

"Thanks babe." he said

Itinabi ko na ang medecine kit at saka ko sya kinausap. Nakahiga na kami sa kama ngayon. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap naman ako sa kaniya.

Oras na rin kasi para matulog. Hanggang bewang lang namin ang pagkakatakip ng kumot.

"Ahm, Renz, saan nga pala natin pwedeng makita ang kuya mo?" tanong ko at nangunot ang noo niya.

"Huh? Bakit mo tinatanong at bakit gusto mo siyang makita? Hindi ka ba galit sa kaniya?"

"Syempre nagalit din ako sa kaniya, pero gusto ko lang naman siya makausap kasi gusto kong magthank you."

"Magthank you saan?"

"Renz siya iyong lalake na sinasabi ko sayo na nagligtas sa buhay ko nang muntik na kong mabangga kanina." sabi ko at nagulat siya.

"Ganon ba, pero hindi ko alam kung nasan sya ngayon." sabi niya.

"Ganoon ba. Okey fine, but wait,  kanina pa natin sya pinag-uusapan pero hindi ko man lang alam ang name nya. Ano bang name niya?" tanong ko.

"He is Dylan, Dylan Ezcadler. A gangster king and a walking disaster." Sarcastic niyang sagot kaya medyo natawa ako.

"Hahaha! So he is your kuya Dylan. Dylan(deelan) Ezcadler a gangster king pero bakit naman walking disaster?" Natatawa kong tanong.

"Walking disaster dahil kakambal niya ang gulo. Lagi siyang nakikipag-away at palagi rin akong nadadamay." Inis niyang tugon.

"Magkapatid nga kayo."

"Oo magkapatid kami, pero mas gwapo ko sa kanya." Halatang pabiro niyang sabi at natawa na lang ako.

Kinabukasan ay binisita namin ni Renz si Mark sa condominium na tinutuluyan nito.

Kinamusta namin ang kaso at doon ay gumawa kami ng plano.

Kailangan ko pang bumalik sa hideout ng ElblackO para hindi sila maghinala na tina-traydor ko na sila.

Mabuti na rin iyon para hindi masira ang plano.

Sa pagpunta namin doon ay sinabi ni Mark na dumating na dito sa Pilipinas ang first cousin niyang si Claire.

At may gagawin daw na welcome party para sa pagbabalik nito.

Sa isang beach resort ang venue,at invited kami ni Renz.

Sa isang araw na ito at muli na naman naming makikita si Claire after Ten years.

Si Claire na Ex-Girlfriend ni Terenz.

Kainis nga eh!

Votes and Comments are Highly appreciated Guys!

Total: 953 Words

Felicitous InheritressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon